SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
UMULAN man noong Linggo ng umaga, hindi napigil ang mga nakiisa sa World AIDS Day Walk 2024 na ginanap sa Ortigas Park, Emerald, Ortigas, Pasig City.
Libo ang nakisali at nagbigay suporta sa taunang selebrasyon. Dumalo at pinangunahan ang World AIDS Day Walk 2024 ni Secretary of Health Ted Herbosa na game na game naglakad kahit malakas ang ulan.Kasama ni Sec Ter ang mga taga-Department of Health gayundin ang Philippine National AIDS Council.
Pagdating naman ng hapon pinangunahan ni Pia Wurtzbach, ambassador ng World AIDS Day sa Pilipinas ang LoveYourself at kasama ang mga. aktor na sina Adrian Lindayag at Markki Stroem, at transwoman-advocate na si Janlee Dungca.
Ayon sa DoH, kada araw ay may naitatalang 58 kaso ng HIV sa bansa at ang edad ay 15 to 24 ang pangunahing apektado ng sakit.
Layunin ng kampanya na mas mapalaganap ang kaalaman ng mga tao tungkol sa HIV at AIDS.
Binigyang-diin ng mga ambassador ang kahalagahan ng pagtuturo sa mga Filipino sa pag-iwas at paggamot sa HIV.
“It’s a global campaign, and I’m sure the rest of the world is doing their events like this,” sabi ni Pia.
“I feel like the World AIDS Day is a time to reflect on what needs to be done, the lives that we’ve lost, but also the hope and the goal that is out there. That is very much achievable,” aniya pa.
Sa datos ng United Nations, ang Pilipinas ang isa sa pinakamabilis tumaas ang numero ng mga apektado sa mundo.
“It is possible to live a healthy long life, if you can take that step into getting treatments – consistent treatments to reach an undetectable status. It is very much possible. Testing is there, it’s free. Provided to us by the DOH, strong partners with the private sectors. Treatment is also free,” giit ng beauty queen.
“Our work continues because, unfortunately every year the cases go up but that doesn’t mean we will stop with our work. Hopefully we reach that 2030 goal of ending AIDS,” dagdag pa. (MValdez)