Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Seth Fedelin Francine Diaz FranSeth My Future You

Francine kaya nang ipagtanggol ni Seth

MATABIL
ni John Fontanilla

MARAMI ang kinilig sa lead actors ng MMFF 2024  Regal Entertainment Inc. entry My Future You na sina  Seth Fedelin at Francine Diaz nang mag-holding hands  sa presscon ng kanilang movie na ginanap sa 38 Valencia Events Place.

Nang matanong nga si Seth kung nasaan na ang friendship nila ni Francine ay nasa stage na raw siya na kaya niyang ipaglaban ang ka-love team.

Sa tanong  kung ano na ba ang level ng kanilang friendship ngayon, sey ni Seth ay nasa stage na sila na kaya na niyang ipaglaban at protektahan si Francine, sa harapan at sa likod niya si Francine.

Siguro, ‘yung friendship na mayroon kami ni Francine, mas naggo-grow siya, mas naroon na ako sa tipo na kaya ko na siyang protektahan, kaya ko nang magsalita rin,” anang aktor.

Paliwanag pa nito, “Kanina sabi ko ‘wag magsalita ‘di ba? Pero mayroon ding dapat na panahon na magsalita ka at sa tamang tao na ipaglalaban mo. 

“So ganoon ‘yung mayroon akong nararamdaman para kay Francine.”

Dagdag pa nito, “Kaya ko na siyang mas ipagtanggol ngayon, kaya ko nang mas panindigan, mas kaya ko nang tumayo, ako na ‘yung nasa harap ni Chin (Francine), sa likod lang siya,” giit pa ni Seth.

Hindi naman maiwasang kiligin ni Francine sa mga narinig na pahayag ni Seth.

Parang nag-melt po yata ako.”

“It’s really nice po talaga to have someone na nandiyan para protektahan ka ganoon din naman ako sa kanya.

“’Yun lang po ayaw ko lang pong pahabain kasi sa ‘min na lang ‘yun.”

Ang romantic-fantasy-dramedy na My Future You ang kauna-unahang pagtatambal sa pelikula ng tamabalang FranSeth, hatid ng Regal Entertainment para sa kanilang 60th anniversary celebration at entry sa 50th Metro Manila Film Festival, sa direksiyon ni  Crisanto Aquino at mapapanood sa mga sinehan sa Disyembre 25.

Makakasama nina  Francine  at Seth sina Marcus Madrigal, Vance Larena, at Mosang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …