I-FLEX
ni Jun Nardo
HINDI ipinagkakaila ng VMX sexy star na si Sahara Bernales ang pagiging IP (indigenous people) niya. Isa siyang Aeta pero maalindog kaya naman aprubado agad siya sa VMX.
Kabilang sa lead sexy stars ng VMX movie na Maryang Palad si Sahara kasama si Jem Milton mula sa direksiyon ni Rodante Pejemna, Jr.. Pero hindi niya ikinahihiya ang pagpapa-seksi sa VMX dahil nakakatulong ang trabaho niya sa pamilya.
Kung nakagugulat ang pagiging IP ni Sahara, mas shocking ang rebelasyon niya sa mediacon na ang father niya ay isang transgender na mahilig sa babae noong bata-bata pa ito.
Streaming sa November 15 sa VMX ang Maryang Palad habang sa November 26 naman ang Boss Ma’am nina Jenn Rosa at Vern Kaye.