HINDI naitago kapwa ng Side A Band at ni Janine Tenoso ang excitement sa nalalapit nilang konsiyerto, ang Bonded by Sound: Side A & Janine Tenoso sa November 30 sa The Theater at Solaire, 8:00 p.m. handog ng Sonic Sphere Productions Inc.
Ipakikita at iparirinig sa konsiyerto ang mga awiting minahal natin at maituturing nang pamana ng iconic OPM band na Side A. Nariyan ang sikat na sikat nilang kantang Forevermore gayundin ang Set You Free, So Many Questions, Tuloy Pa Rin Ako at marami pang iba.
Asahan din ng mga tagahanga ang masayang pagtatanghal ng kanilang mga klasikong hit na umalingawngaw sa mga henerasyon ng mga Filipino. Isa sila sa lumilikha ng musikang tumutulong sa pagtukoy sa mga eksena ng musika sa Pilipinas sa loob ng ilang dekada.
Kasamang magbibigay ng magagandang musika ang fresh, contemporary stylings sa kanyang estilo, ang sumisikat na mang-aawit-songwriter Janine Teñoso. Nariyan ang minahal na awitin niyang Pelikula, Ang Awit Natin, Di Na Muli, Paano, Umibig Muli at marami pang iba.
Hindi kataka-takang isa siya sa mga pinaka-pinananabikang batang boses sa Filipino pop music. Iparirinig ni Janine ang mga selection mula sa kanyang dumaraming bilang ng catalog na kaakit-akit at introspective na orihinal na mga komposisyon.
Nahingan ng sample si Janine ng favorite song niyang kanta ng Side A at ang ipinarinig niya ay ang Tell Me. Paborito rin niya ang awiting Tila.
Sinabi naman ni Ernie Severino, drummer ng Side A na ang concert ay mayroong two band set up, isa kay Janine at siyempre ang banda ng Side A na sabay na tutugtog kaya exciting.
Ang interplay na tunog ng Side A at ang makabagong diskarte ni Janine ay tiyak na lilikha ng magandang dynamics at hindi malilimutang karanasan sa konsiyerto at ng mga makikinig at manonood sa kanila.
Kaya asahan ang isang gabing puno ng nostalgia, pagtuklas, at pagdiriwang ng musika.
Ang Side A Band ay kinabibilangan nina Leevon Cailao (lead guitarist), Naldy Gonzales (Keyboard player), Ned Esguerra (bass guitar), Ernie (drummer), at Yubs Esperat (lead vocalist).