Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Suntay Bday

‘Birthday pasasalamat’ ni Cong. Bong Suntay dinagsa

TINATAYANG aabot sa 8,000 suporters, mga miyembro ng kanyang pamilya at kaibigan, gayundin mula sa hanay ng mga opisyal ng barangay, sectoral representatives at special guests ang dumalo sa “Birthday Pasasalamat” ni dating Congressman Jesus “Bong” Suntay sa Amoranto Sports Complex, Quezon City kahapon.

Ang naturang okasyon ay hindi lamang pagbibigay ng kasiyahan at selebrasyon kundi isang taos-pusong pasasalamat sa natatanggap na matibay na suporta ni Congressman Suntay sa mga nakalipas na taon.

Pangunahing tampok sa birthday event ang mainit na pagsasalo ni Congressman Suntay at ng kanyang masusugid na constituents.

Kasama ang kanyang pamilya, mula sa minamahal niyang kabiyak ng puso, mga anak at mga kapatid, malugod na binalikan at binigyang-pagkilala ang masidhing dedikasyon ng mambabatas sa larangan ng public service at pagbibigay prayoridad sa kapakanan ng mga nasasakupan niyang komunidad.

Kabilang sa mga kilalang personalidad na nagbahagi ng makabuluhang mensahe at inspirasyon hinggil sa uri ng pamumuno ni Congressman Suntay, na nagbigay ng magandang kinabukasan sa maraming indbiduwal sina Atty. Migs Suntay and Kiko Del Mundo.

Nagdala ng dagdag na kahalagahan sa okasyon ang pagpapaabot ng video message ni Senator Bong Go, na pinuri ang hindi matatawarang dedikasyon ni Congressman Suntay sa public service at nagpaabot din ng mainit na pagbati sa kaarawan nito.

Ang malapit na kaalyado ni Congressman Suntay na si Senator JV Ejercito ay personal na dumalo, at sa kanyang talumpati ay kinilala ang malaking kontribusyon ng una para sa ikauunlad at ikabubuti ng ikaapat na distrito ng Quezon City at nangako siyang susuportahan ang mga bagay na nais maisakatuparan ng dating kongresista sa hinaharap.

Bilang pasasalamat sa mainit at masayang selebrasyon ng kanyang kaarawan, namahagi si Congressman Suntay ng cash prizes at gift packages sa pagnanais niyang lalong maramdaman ng mga taong nanatili sa kanyang tabi, ang kanyang pasasalamat, at pagiging bukas-palad sa kanila.

Sa kanyang mensahe, nagpahayag si Congressman Bong Suntay ng kanyang walang hanggang pasasalamat sa lahat ng dumalo at nangakong ipagpapatuloy ang kanyang walang tigil na paglilingkod para sa kapakanan ng minamahal niyang distrito.

“Your support inspires me to keep going. I promise to prioritize the needs of our community and ensure that our district continues to thrive,” aniya.

Samantala, maituturing na star-studded ang “Birthday Pasasalamat” ni Congressman Suntay kung saan ang sikat na aktor na si Cesar Montano ay naghandog ng powerful musical performance, habang ang isa pang popular celebrity na si Dominique Roque ay nagbigay ng kanyang mensahe nang paghanga sa leadership at community spirit ng former lawmaker.

Ang electrifying performance ng hinahangang banda na Callalily ay nagbigay naman ng matinding sigla at kasiyahan sa lahat. (EJ DREW)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About EJ Drew

Check Also

Konektadong Pinoy Bill Act

Digital connectivity master plan mahalaga sa direksiyon ng Konektadong Pinoy Act — Cayetano

MAHALAGANG hakbang ang pag-aproba sa nationwide digital connectivity master plan upang magkaroon ng malinaw na …

Arrest Posas Handcuff

Sa Parañaque City
Japanese national sinaktan, hinoldap; suspek arestado sa loob ng 24 oras

NAHULI na ang suspek sa nag-viral na video ng panghoholdap at pananakit sa 62-anyos Japanese …

Las Piñas Cebu Sinulog April Aguilar

Stranded na Sinulog participants sa Cebu nakabalik nang ligtas at maayos sa Las Piñas

NAKABALIK na sa kani-kanilang tahanan ang mga kabataang Las Piñeros na na-stranded sa Cebu matapos …

DPWH

DPWH dapat preparado vs maangas na kontratista

KASUNOD  ng mga repormang ipinatupad para sa badyet ngayong taon, sinabihan ni Senate President Pro …

Senate FDA

Makupad magpakulong ng mga vendor at suppliers
FDA KINASTIGO SA SENADO 
Peke, ‘di rehistradong gamot, supplements kalat na kalat

KINASTIGO ng senado ang Food and Drugs Administration (FDA) dahil sa kabagalan nitong sumampol o …