Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad

DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at dapat nang asahan na ang kanilang pagbaliktad ay una lamang sa ibang nagbabalak pang kumalas.

Sa Isang panayam,sinabi nina Ram Cruz at Bobby Hapin na ang pagkadesmaya nila ay bunsod ng mga napakong pangako ni Sotto nang tumakbo ito noong 2019.

Kung paanong pangunahin sa kanyang  “BIG 5 AGENDA” ang kalusugan, ay pangunahin din nilang problema sa mga health center ang kakulangan ng mga gamot at serbisyo medikal.

Ikalawa ang pangako nitong pabahay, ngunit hanggang ngayon ay wala pang naipapatayo kahit isang haligi man lang.

Sa mga karatig lungsod, nagagamit na ng mga mag-aaral ang libreng school supplies at uniporme, pero sa Pasig magsusukat pa lang ng size ng sapatos, maya-maya bakasyon na.

Sinabi nina Hapin at Cruz na champion umano si Sotto sa anti-corruption peri kapag sangkot sa anomalya ang mga tauhan niya na hindi Pasigueño ay pinagre-resign na lang.

Paawa epek umano si Mayor Vico Sotto na biktima siya ng mga trolls, pero hindi nito maipaliwanag ang kamakailan lang na natuklasang mga trolls army ni Phillip Caposano, ang kanyang chief political adviser, na pinag-resign din kamakailan lang.

Ayon pa sa dalawang politiko, ang pagkadesmaya ng mga tagasupporta ay kagagawan din ng alkalde dahil hindi marunong makisama sa ordinaryong mga Pasigueño.

Ngunit nilinaw ng dalawa na ang kanilang pagbaliktad ay hindi nangangahulugan na aanib na sila sa kalaban ni Sotto dahil sila ay mananatiling independiyenteng kandidato bilang mga city councilor.(EJ DREW)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About EJ Drew

Check Also

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …