Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana

KathDen fans umalma, vloggers na nagpakalat ng HLA video clips tinalakan

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY ilang vloggers na nagpapakalat ng video clips na kuha mula sa pelikulang Hello, Love, Again na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Kaya galit na galit ang mga fan ng KathDen.

Umalma nga ang mga KathDen supporter na hindi pa nakakapanood ng part 2 ng blockbuster hit na Hello, Love, Goodbye dahil nga sa naglalabasang spoilers.

Noong Wednesday, November 13, nagsimulang mag-showing ang reunion movie nina Alden at Kathryn.

Kasunod nga nito, ang pagpo-post ng mga pasaway na vloggers ng mga litrato at video clips, na kuha habang nanonood sa loob ng sinehan, na parang walang pakialam sa umiiral na mga batas pagdating sa panonood sa mga cinema.

Tinalakan ng mga netizen ang mga vlogger at sinabihang isang malinaw na paglabag sa batas ang kanilang ginagawa na maituturing na ring pamimirata.

Sabi ng isang faney ng KathDen, “Napakawalanghiya ng mga iresponsableng vloggers na ‘yan. Talagang post kung post sila ng mga eksena sa HLA, pati yung mga plot twist! Ang kakapal ng mukha!”

May ilan naman ang nanawagan sa Star Cinema at GMA Pictures na aksiyonan agad ang isyu dahil hindi imposibleng mapirata rin ang buong pelikula at libre nang mapanood sa Facebook tulad ng nangyari sa Rewind nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

May isa namang nag-post ng kaukulang batas na nagbabawal at nagpaparusa sa mga taong kumukuha at nagbi-video ng pelikula sa sinehan.

Batay sa Republic Act No. 10088 o Anti-Camcording Act of 2010, mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng video at larawan ng pelikula habang nanonood sa loob ng sinehan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …