Monday , December 23 2024
La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., lungsod ng Maynila, nitong Miyerkoles, 13 Nobyembre.

Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang empleyado ng paaralan na si Ray Ruiz, 32 anyos, nagalusan sa kaniyang kanang braso.

Ayon sa mga awtoridad, nadulas ang biktima habang bumababa ng hagdan upang hindi ma-suffocate sa usok na nagmumula sa nasusunog na silid.

Sa paunang ulat, nagsimula ang sunog dakong 9:30 am sa pangalawang palapag ng solar building ng paaralan at tuluyang naapula dakong 9:54 ng umaga.

Tinatayang umabot sa P144,000 ang halaga ng pinsalang dulot ng insidente na hanggang ngayon ay inaalam pa ang pinagmulan, ayon sa BFP.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …