Thursday , November 21 2024
Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. Cruz, lungsod ng Maynila, nitong Martes, 12 Nobyembre.

Nakita sa kuha ng CCTV na nakamasid ang lalaki sa lugar at maya-maya ay kanyang nilapitan ang nakaparadang motorsiklo saka dali-daling itinulak.

Nakita sa kuha ng CCTV na tumigil ang suspek sa gilid saka tinanggal ang plaka ng motorsiklo, sinipat niya muna ang kabilang kalsada bago binuhat ang motor at isinampa sa bangketa.

Ayon kay P/Maj. Philipp Ines, tagapagsalita ng Manila Police District (MPD), ang modus operandi ng suspek ay ililipat muna ang motorsiklo at tatakpan saka ilalabas at itatakas kapag wala nang naghahanap.

Ayon sa biktimang kinilalang si Nicolas Tafalla, barangay treasurer, hindi pa niya tapos hulugan ang motorsiklo at ginagamit niya ito sa kaniyang trabaho.

Sa tulong ng mga nakalap na kuha ng CCTV, agad natunton ang suspek at narekober ang ninakaw na motorsiklo.

Dagdag ni Ines, dati nang nakulong sa kasong homicide ang suspek samantala hindi nasasampahan ng kaso kaugnay sa pagnanakaw ng motorsiklo dahil hindi nagpapatuloy ang kaniyang mga naging biktima sa paghahain ng reklamo.

Depensa ng suspek, nagmalasakit lang siyang itabi ang motor dahil nakabalagbag umano sa daan.

Sinampahan ng reklamong paglabag sa RA 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016 ang suspek.

Nagpaalala ang pulisya na huwag iparada ang motorsiklo sa madilim na lugar at lagyan ito ng kandado upang hindi manakaw.

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …