Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata
MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga turista ang US visa dahil overstaying na sila. Siguradong deportation at pababalikin na sila dito sa Filipinas pagkatapos manalo sa ikalawang pagkakataon si US President Donald Trump.
Sa aking nakalap na impormasyon, ‘yung mga may ikinakanlong na overstay ay pinaaalis na sa kanilang bahay dahil sa impormasyon na pati ang kumakalinga at nagpatira ng overstay ay posibleng madamay sa status ng pinatirang overstay.
Okey lang kung may working permit, e kung wala? Kaya dapat lang na ‘yung mga immigrants na Pinoy sa Amerika ay boluntaryo nang umuwi sa Pinas upang maiwasan ang posibilidad na mapabilang sa listahan ng mga blacklist at huwag na hintayin pa ang deportation.
Isa pa na posibleng magkaproblema ay maghihigpit na ang US Embassy na magpapasok ng turista at immigrants dahil si Trump na ang bagong Presidente.
Kung inyong matatandaan, nangyari na ito noong unang terminog ni Trump bilang Pangulo, naging mahigpit ang Embahada ng Amerika, kaya laking pasasalamat ko at multiple visa ako na magpapaso sa 2028.
Pero maganda ang rekord ko dahil tatlo hanggang isang buwan lang ako, kaya hindi ako mapapabilang sa deportation dahil ‘di ako nagtatagal.
Madadagdagan na naman ang maghihirap na mga Pinoy sakaling mapauwi ang mga overstay na mga immigrants.
Iba kasi ang Amerika, maraming trabaho tulad ng caregiver at mas gusto ng mga employer ang mga immigrant dahil mas ‘di hamak na mababa ang pasahod.
Ayon sa aking impormasyon, madali raw matutuklasan ang mga overstaying na immigrants dahil may mga inisyu daw na mga ID sa kanila.
Abangan ang kuwentong ito. Hindi ito pagpapahirap sa mga Pinoy, sa ating bansa man ay ginagawa ito.