Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo Alden Richards KathDen Hello, Love, Again

Kathryn at Alden gusto nang tapusin love story nina Ethan at Joy

MA at PA
ni Rommel Placente

ILANG tulog na nga lang at showing na ang Hello, Love, Again nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.  Inaasahan na magtatala na naman ito ng panibagong record sa box office.

Sa isang interview ay tinanong ang dalawa kung okey lang ba sa kanila na magkaroon ng part 3 o sequel muli ang Hello, Love, Again. Sey nila, ayaw nilang magsalita ng tapos, pero hangga’t maaari ay gusto na raw nilang tapusin sa pelikulang ito, ang love story nina Ethan at Joy. 

Sey ni Alden, time to say goodbye sa kanilang karakter pero alam nilang may salitang “what if.”

Samantala, mas nararamdaman na raw ng KathDen ang pressure ngayon, dahil malapit na ngang ipalabas ang kanilang pelikula.

Medyo mabilis ang pangyayari, sey ni Kathryn. Ngayon nga lang daw nagsi-sink in sa kanya na malapit na silang husgahan sa showing ng kanilang pelikula. 

Aminado ang aktres na kinakabahan siya sa pelikula gayundin si Alden na sinabing napaka-espesyal ng pelikulang ito sa kanila ni Kathryn.

‘Yung pressure naroon daw, dahil sa may tinitingnang benchmark sa nakaraan nilang pelikula ni Kathryn.

Hindi raw maiwasan ‘yung comparison lalo na sa box office, pero nasa tao raw ang desisyon. Nasa mga manonood na rin daw pagsasabi o word of mouth ‘ika nga, kung ang pelikula nila ay worth watching.  

Sey pa ni Kathryn, mas comforting ngayon, dahil hindi na lamang siya mag-isang humaharap sa kaba, o pressure dahil kasama niya si Alden.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …