Friday , March 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lito De Guzman Magic Voyz

Big Concert ng Magic Voyz inihahanda

MATABIL
ni John Fontanilla

PAGKATAPOS ng matagumpay na konsiyerto ng Magic Voyz ng Viva Records at LDG Productions sa Viva Cafe, last October 27 ay inihahanda na ang kanilang susunod na big concert.

Ayon sa CEO/President ng LDG Productions, Lito De Guzman, pinagpa-planuhan na nila ang susunod na concert ng grupo and this time ay sa malaking venue naman.

Pagkatapos ng matagumpay nilang concert sa Viva Cafe, we’re preparing for a big venue for a big concert nila.

“Kaya naman tuloy-tuloy lang ang traning nila ng sayaw at voice lesson.

“Tuloy-tuloy din ang paggawa nila ng kanilang 3rd single, hangang  magkaroon sila ng hit song.

“Plano ko ring mag-produce ng film na magkakasama sila.

“At siyempre tuloy pa rin ‘yung paggawa ng sexy movie sa VMX nina John Mark Marcia, Juan Paulo Calma, at Mhack Morales. Sa ngayon kasi  wala pa sa trend ng ‘Pinas na grupong naghuhubad sa movie, tapos sing and dance pa plus wala naman silang limitation sa acting at sexy film. Basta ang peg anything under the sun.

“Payo ko nga sa kanila na samantalahin lang nila habang fresh pa sila, basta work at related sa career laban lang. 

At tuloy- tuloy lang ang kantahan at sayawan, at pag-aralan nila ‘yung way paano mag-entertain ng tao sa entablado local man or international,” tuloy-tuloy na tsika ni LDG.

Ang Magic Voyz ay kinabibilangan nina Jhon Mark Marcia, Juan Paulo Calma, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones , Asher Diaz, at Johan Shane.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …