MATABIL
ni John Fontanilla
MALALIM, malaman, at nag-iwan ng payo sa ilang locals singers sa bansa na ‘di dumadalo sa mga parangal ang thank you speech ni Ogie Alcasid nang tanggapin ang tropeo bilang Male Recording Artist Of the Year sa 16th Star Awards for Music na ginanap sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza, Makati City.
“Sobrang important because binibigyan nilang pagpapahalaga ang musikang Filipino. So, bilang ako’y nakatatanda at pangulo ng OPM, it’s very important to be supportive [of the] music awards such as the Star Awards. I’m honored and I’m thankful and grateful na ipinagpatuloy nila ang Star Awards [for] Music,” bahagi ng speech ng magaling na singer.
Marami ngang pumuri sa naging pahayag ni Ogie na dapat nga namang dumalo at suportahan ang award giving bodies na nagbibigay parangal sa kahusayan ng bawat artist, mapa-telebisyon, pelikula o musika man ‘yan.
Nakabibilib ang katulad nina Ogie, Gary Valencianp, Christian Bautista, Jed Madela, Kris Lawrence, at Gloc 9 na kahit sikat na sikat na at matagal na sa music industry ay nagbibigay pa rin ng pagpapahalaga at dumadalo sa mga parangal na ibinibigay sa kanila.
Magandang ehemplo naman ang mga baguhang singers na sina Mak, Flow G, at Maymay Entrata na dumadalo sa mga parangal na ibinibigay sa kanila.