Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo Alden Richards KathDen

Alden masugid na nililigawan si Kathryn; sweetness totoong-totoo

MA at PA
ni Rommel Placente

HINDI na nga mapigilan ang kilig ng mga faney sa tambalang Kathryn Bernardo at Alden Richards o KathDen na ang iba ay iniisip na may relasyon nang namamagitan sa dalawa. 

Pero may mga iba ring netizen ang may agam-agam  kung totoo nga ba ang ipinakikitang sweetness ng KathDen.

Iniisip kasi ng iba na baka raw for the promo lamang ito ng pelikula nilang Hello Love Again. 

Well, nakatsikahan namin ang isang source na malapit sa KathDen at may mga bagay-bagay 

kaming tinanong sa kaya tulad ng kung totoo ba talaga na nanliligaw si Alden kay Kathryn?

Sey ng aming source, masugid daw ang panliligaw. 

Pangalawa naming tanong kung ang aktress kaya ay nahuhulog na rin ang loob sa aktor? Sagot ng aming source naniniwala raw siyang true ito. Kilala raw niya kasi ang aktres at alam niya kung may nararamdaman ito. 

Itinanggi rin ng aming source na for the promo lamang ang sweetness ng dalawa.

Ang alinlangan naman daw ay mawawala dahil malalaman ng mga faney na matapos man ang promo ng kanilang pelikula, ay tuloy pa rin ang panliligaw ni Alden kay Kathryn.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …