Monday , April 28 2025
Vice Ganda MMFF

Vice Ganda nangako makikiisa promosyon ng MMFF movie sa mga sinehan at   probinsiya

MA at PA
ni Rommel Placente

NITONG  Martes ay inanunsiyo ng screening committee ng Metro Manila Film Festival ang limang pelikula na kokompleto sa mga kalahok sa festival na ginaganap taon-taon tuwing Pasko, December 25.

Ang second batch ng mga pelikulang kasama sa MMFF 2024 ay ang My Future You starring Francine Diaz and Seth Fedelin, directed by Crisanto AquinoUninvited na pinagbibidahan nina Vilma Santos, Nadine Lustre, at Aga Muhlach, mula sa direksiyon ni Dan VillegasTopakk na bida si Arjo Atayde katambal si Julia Montes, na pinamahalaan ni direk Richard SomesHold Me Close, starring Carlo Aquino at Julia Barretto, directed by JP Laxamana; at Espantaho, na pinagbibidahan naman nina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino, na gumaganap sila sa pelikula bilang mag-ina. Ito ay mula naman sa direksiyon ni Chito Roño.

Samantala, dumating si Vice Ganda sa announcement ng last five official entries para sa 50th Metro Manila Film Festival, bilang isa nga ang pelikula niya sa kasama sa  MMFF 2024. Bago kasi, inanunsiyo ang lima pang napili sa taunang MMFF ay inanunsiyo ulit ang limang naunang napiili na official entry base sa script, na isa rito ang pelikula ni Vice, ang And The Breadwinner is…

Excited si Vice na may entry ulit siya sa MMFF. Last year kasi ay hindi siya gumawa ng pelikula para sa festival.

Sabi ni Vice, “Exciting po na makasama kami ngayon dahil espesyal ang taong ito, 50th anniversary, so, it’s a milestone sa Metro Manila Film Festival.

“Ikagagalak ko rin naman na makasama sa taong ito dahil ilang taon din naman ako na halos taon-taon na nandirito. So, siyempre, iba ang 50th, golden year ng Film Festival. Kaya gusto ko rin talaga.

“Nang magpahinga ako last year, sabi ko, sana makabuo tayo kasi, it’s 50th ng filmfest. Para kasali naman ako roon dahil malaki at mahalagang-mahalagang bahagi ito para sa Metro Manila Film Festival. Napaka-pinagpala ako dahil ang entry ko, ang nagdirihe ay si direk Jun Lana. Idea First ang naging katuwang ng Star Cinema at ABS-CBN Films para mai-produce itong pelikula namin.”

Ayon pa kay Vice, noong pinaplano raw ang And the Breadwinner is… sinasabi raw ng mga producer niya na it’s Vice Ganda’s new movie era. Kaya raw ganoon na lang ang excitement niya.

First time ko rin na gumawa ng pelikula na hindi pina-preview sa akin. Regalo raw nila sa akin sa Pasko.

“Hindi nila pina-preview. Gusto nila na mapanood ko sa premiere night dahil ito ang regalo namin sa ‘yo,” sey pa ng mister ni Ion Perez.

Ang direktor ng pelikula na si Jun Lana, sinabi  niya na maraming kakaiba na makikita kay Vice sa kanilang pelikula. Pero siyempre, nandoon pa rin naman daw ‘yung trademark ng Unkabogable Star.

At si Vice naman, nangako na ng suporta sa 50th MMFF, na sigurado raw na magpo-promote siya ng And The Breadwinner is.. hindi lamang sa Metro Manila theaters, maging sa mga probinsiya.

“Kaisa ako ng Metro Manila Filmfest. At hindi naman sa pagmamalaki, pero hindi siguro ako masisilipan at sabihin nila na hindi ako tumulong sa kanila sa pagpo-promote ng festival. Hindi lang ng pelikula ko, pero buong festival.

“Kung ano ang ginagawa ko noon, baka dagdagan ko pa. Kumbaga, familiar effort but different atake,” sey pa niya.

About Rommel Placente

Check Also

Nora Aunor Pagpupugay Ng Bayan

Pagkanta ng mga Noranian ng Superstar Ng Buhay Ko nakaaantig ng puso

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI inalintana ng magkakapatid na  Lotlot, Ian, Matet, Kiko, at Kenneth de Leon at …

Kobe Paras Kyline Alcantara

Kobe may cryptic post, patama kay Kyline?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI ang nag-react sa tila pasaring na post ni Kobe Paras using the …

Miles Ocampo

Miles inaming na-miss ang pag-arte, gagawa ng pambalanse sa Eat Bulaga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MASAYANG tinanggap ng All Access To Artists management group si Miles Ocampo bilang latest artist nila. …

Jodi Sta Maria Untold

Jodi nagtagumpay sa pananakot sa Untold

MA at PAni Rommel Placente NAPANOOD namin sa ginanap na press preview noong Martes ng …

Ogie Alcasid Hajji Alejandro Zsa zsa Gary V Rachel Martin Nievera Regine Velasquez Erik Santos

Ogie pinuri magagandang katangian ni Hajji: an amazing human being

MA at PAni Rommel Placente ISA si Ogie Alcasid sa mga nagbigay tribute sa namayapng kapwa niya …