Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sandro Marcos

Sandro Marcos bumuwelta sa mga patutsada ni Sara Duterte

BINASAG na ng presidential son at Ilocos Norte Representative Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos ang kanyang katahimikan kaugnay ng mga kontrobersiyal na pahayag ni Vice President Sara Duterte.

Kasunod ito ng mga pagbatikos ni Duterte, na inihayag niyang naisipang pugutan ng ulo si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., at nagbantang hukayin ang labi ng dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., upang itapon sa West Philippine Sea (WPS), nagpahayag si Rep. Marcos ng kanyang opinyon.

Sa isang inilabas na statement, sinabi ni Sandro Marcos na nanahimik siya bilang respeto sa mandato at responsibilidad ng Pangalawang Pangulo. Gayonman, idiniin niyang bilang anak, hindi niya kayang manahimik sa gitna ng mga banta laban sa kanyang ama at sa mga pahayag na naglalayon ng panghihiya sa mga yumaong mahal sa buhay.

“I cannot stay silent while she threatens to exhume a former president and behead an incumbent one,” ani Rep. Marcos.

Dagdag niya, “Her bizarre temper tantrum has been condemned by a nation horrified from such displays of insensitivity towards the dead and cruelty to the living.”

Tinawag ni Rep. Marcos ang tila ‘pagwawala’ ni Duterte bilang isang posibleng uri ng self-therapy na ginawa ng Pangalawang Pangulo para sa sarili.

“Going ballistic was perhaps the self-therapy she prescribed for herself,” aniya.

Ngunit, binigyang-diin niyang lumagpas na ito sa linya ng tuwid na mga katwiran. “But she crossed the line, leaving the civic and civil space in which disagreements can be rationally argued,” wika ni Rep. Sandro.

Sa kabila ng mga tirada ni Duterte, binigyang-diin ng batang Marcos na hindi sumagot ang kanyang ama, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at hindi nagpakita ng kahit anong indikasyon ng pagtugon o pagbatikos sa mga pahayag ng Pangalawang Pangulo.

Ang kontrobersiya sa pagitan ng dalawang mataas na opisyal ay patuloy na sinusubaybayan ng publiko, habang nananatiling tahimik si Pangulong Marcos, Jr., sa isyu.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …