MA at PA
ni Rommel Placente
ANG team nina Vice Ganda, Karylle, at Ryan Bang ang unang sumabak sa Magpasikat Week ng It’s Showtime noong Lunes, bilang bahagi ng 15th anniversary ng kanilang noontime show.
Isang heartwarming and inspiring performance ang hatid ng grupo tungkol sa “hope.” Nakasama rin nila sa kanilang pasabog na number sina 2 time-Olympic gold medalist Carlos Yulo, Awra Briguela, at SB19.
“15th year is a milestone. Sa panahong ito ano pa ba ang dapat nating ibinibigay? Bukod sa we want to make madlang people happy, basic na sa atin ‘yon.
“Para sa puntong ito ang tina-try na nating ibigay is something that has eternal value, ‘yung mas may kabuluhan na siya, dahil sa gulo ng paligid. So ano ba ang kailangan natin? ‘Yung hope ang kailangan natin araw-araw,” sabi ni Vice.