Monday , February 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Denise Esteban

Denise Esteban, sanay na sa mga indecent proposal

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISA si Denise Esteban sa pambatong sexy actress sa mga pelikula ng VMX (dating Vivamax).

Pero hindi lang sa pagpapa-sexy may talent si Denise, may ibubuga rin siya sa kantahan at sayawan. In fact, nagsimula talaga siya sa showbiz bilang member ng girl group na PPop Generation.

Sa ngayon, ang inaabangang pelikula ng aktres ay ang Hiram Na Sandali sa VMX.

Pahayag ng aktres/singer, “Abangan po ninyo ako sa Hiram na Sandali, directed by GB Sampedro po iyan. Kasama ko po sa movie sina Dyessa Garcia, Vince Rillon at Aerol Carmelo.

“Bale ang role ko po sa movie, ako po rito ‘yung asawa ni Vince.”

Etong Hiram…, ano ang kaibahan sa past movies niya sa Vivamax?

Tugon ni Denise, “Siguro po ‘yung ipinagkaiba sa mga past roles ko rito po sa Hiram na Sandali, ako po ‘yung pinagtaksilan, hahaha!”

Dahil nagpapa-sexy siya, aminado ang dalaga na normal lang na may mag-alok sa kanya ng mga indecent proposal. Paano niya hina-handle ang mga ganitong sitwasyon?

“Sa akin po, normal na ‘yung mga ganoong message po na indecent proposals. Pagdating sa pag-handle naman po, hindi ko na lang pinapansin or minsan, kapag sumosobra na po sa mga message na ganito, bina-block ko na po sila,” sambit pa ni Denise.

Anyway, ngayon ay may bagong girl group si Denise, ang SNTA. Kasama niya sa grupo sina Sara Joe, Ataska, Angela Muji, at Christy Imperial.

Nabanggit sa amin ni Denise kung paano siya napasali sa grupong ito.

Aniya, “Bale, bumisita po kasi ako sa Viva office, tapos bigla pong nasabi ni Boss Vic (Del Rosario) na mayroon daw ginagawang grupo at kasama raw po ako. Tapos after po niyon, nagpatawag na po ng meeting sa lahat ng ka-group.”

Paano niya ide-describe ang kanilang grupo?

“Iyong grupo po namin, siguro kaunting pa-sexy, pero classy po,” nakangiting wika ni Denise.

Ano naman kaya ang masasabi niya sa mga ka-group niya rito?

“Okay naman po ‘yung mga ka-group ko, sina Angela and Christy mga rati ko na po silang ka-member sa Ppop Generation. Sina Sara and Ataska naman po ‘yung bagong nakasama ko po. Pero sobrang babait po nila and nagkasundo-sundo po agad kaming lahat.”

Dahil humahataw siya sa acting at singing and dancing, inusisa namin kung ano ang mas priority niya talaga?

“As for now priority ko po ngayon ‘yung singing and dancing, kasi naka-focus po talaga kami ngayon sa group namin.

“Pero hindi po talaga mawawala sa akin ‘yung acting, kasi eto po talaga ‘yung pangarap ko since noong bata pa lang po ako, gustong-gusto ko po talagang umarte,” sambit pa ni Denise.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Nijel de Mesa Jan Christine NDM Plus Not for Everyone Gala

NDM Plus naglunsad ng “Not for Everyone Gala” na kakaiba at puno ng artista

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG “NOT FOR EVERYONE GALA” ng NDM Plus ay hindi …

Puregold Pusong Panalo Program

Mas makabuluhang layunin para sa retailtainment ng Puregold: popondohan mga ‘naiiwang’ paaralan

SA paghahangad na pasiglahin ang mga last mile o napag-iiwanang paaralan sa Pilipinas, handog ng Puregold Price Club …

JMRTN Retrospect

Music video ng 2 kanta ni JMRTN ng Retrospect inilunsad

MATABILni John Fontanilla EKSAKTONG Araw ng mga Puso, February 14, 2026 naganap ang matagumpay na …

Sexbomb Get Get Aw sa UAE

Sexbomb concert ticket sa Dubai at Abu Dhabi nagkakaubusan  

MATABILni John Fontanilla SELLING like hotcakes daw ang ticket sa nalalapit na concert ng Sexbomb sa Dubai …

Rod Navarro Jr Coco Martin

Hugot ng galit ni Rod Jr kay Coco saan nanggagaling?

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST si Rod Navarro Jr. sa kanyang Facebook account na inakusahan niya si Coco Martin  ng …