PATAY ang isang 42-anyos negosyanteng babae nang saksakin ng kanyang sinisingil sa Sitio Stella Maris, Brgy. Bagong Bayan, sa bayan ng Mauban, lalawigan ng Quezon, nitong Martes ng hapon, 15 Oktubre.
Ayon sa ulat ng pulisya, nagtungo ang biktimang kinilalang si Michelle Rajarillo, sa bahay ng suspek na kinilalang si alyas Arlene, 45 anyos, upang makipag-usap tungkol sa utang ng huli.
Ilang minuto ang nakalipas, lumabas ang biktima mula sa bahay ng suspek na may saksak sa kaniyang dibdib.
Agad tumakas si alyas Arlene habang dinala sa pagamutan si Rajarillo kung saan siya idineklarang wala nang buhay.
Nagkasa ang pulisya ng manhunt operation laban sa suspek na posibleng maharap sa kasong homicide o murder.