Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rey Valera Marco Sison Ang Guwapo at Ang Masuwerte

Rey at Marco mag-aala SB19, SB Senior

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI naitinago nina Rey Valera at Marco Sison ang pagkabilib sa mga P-Pop Group na sumisikat tulad ng SB19 at BINI.

Anila sa Ang Guwapo at Ang Masuwerte concert presscon kamakailan, napakalaki ng naiaambag ng dalawang grupo sa mas lalong ikaaangat ng OPM hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Ang Guwapo at Ang Masuwerte concert ay magaganap sa November 22 sa Music Musem na makakasama ang dalawang promising new young singers na sina Andrea Gutierrez at Elisha. Mula sa direksiyon ni Calvin Neria at ipinrodyus ng Echo Jham.

“I love BINI. I love their music. Alam mo, ang feeling ko sa BINI, magse-set siya ng panibagong trend for a girl group. Finally, may sisikat na girl group, and that’s BINI, ani Marco.

Sinabi naman ni Rey na, “Sa lahat ng grupo na katulad ng BINI na sumisikat, alagaan ang pride o ego.

“Kung may kaunting problema, pagpasensyahan at palampasin. Talagang ganoon. Kapag naka-survive sila sa kahit anong conflict, magtatagal sila.”

At dahil matagumpay na singer/composer si Rey nahingan ito ng payo o tip para sa mga tulad niyang songwriter.

“Ang tip ko sa songwriters ay ilagay niyo ‘yung sarili niyo sa kapwa niyo. Put yourself in someone else’s shoes. Ilagay mo ang sarili mo sa kapwa mo para hindi puro istorya mo ang lumabas sa gawa mo.

Mahirap gumawa ng kanta na hindi naman maririnig. What I’m trying to say is may maganda ka ngang kanta, wala namang nakaaalam kung ano ‘yan.

“Ngayon, kung may support ‘yan, kahit hindi ‘yan kumita, siguradong darating ang panahon na may mga batang makaka-pickup niyan at gagawan nila ng versions ‘yan.

Ang kanta, may sariling buhay at gumagawa ng sariling history. Ayaw niyang mamatay. Gusto niyang mabuhay,” giit pa ng OPM icon.

“Alam mo, ang Filipino, kahit anong klaseng kanta ‘yan, sentimental ‘yan. You can’t go wrong with love songs. Whatever it is kung mabilis, mabagal, modern, upbeat, mas straight forward,” sabi naman ni Marco.

Natanong din sa dalawang icon kung gaano kaimportante na magkaroon ng marka sa  music industry sa pagsusulputan ng maraming artists?

Noong panahon namin, bahala ka sa sarili mo. Gagawa ka ng sarili mong brand. Kailangan mong mag-survive,” sambit ni Rey.

“Branding is just a guide, ‘yung path na susundin mo. Pero siyempre it’s up to the audience pa rin, to the fans, to the buying market. Mayroon talagang walang kakuwenta-kuwentang kanta pero nagugustuhan,” susog naman ni Marco.

Samantala, may bonggang pasabog na mapapanood sa Ang Guwapo at Ang Masuwerte concert.

Mayroon kaming surprise number na P-pop number, ganyan. Pero surprise ‘yun, hindi namin sasabihin. Kasi kami, sure na masu-surprise rin kami!” natatawang pagbabahagi ni Rey.

“Mala-SB19? SB-senior!” hirit ni Marco.

Ipinrodyus ng Echo Jham, available ang tickets para sa Ang Guwapo at ang Masuwerte sa Ticket World at Music Museum.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …