SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
NAKALULULA ang napakaraming movie workers na nagtungo para makiisa sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na isinagawa noong Linggo, October 11 sa Philippine Sports Arena, Pasig. Napuno ang Ultra ng humigit kumulang sa 7,500 movie workers noong Linggo at inaasahang ganito rin karami kahapon, (Lunes) ang beneficiaries na magtututngo kasabay ng grand celebration ng 50th Metro Manila Film Festival.
Sa totoo lang, first time nangyari ang ganoong event na nagsanib-puwersa ang pamunuan ng MMFF at ang principal stakeholders nitong Movie Workers Welfare Foundation (MOWELFUND), Film Development Council of the Phils. (FDCP), Film Academy of the Phils, (FAP), at AKTOR kasama ang iba’t ibang booths ng mga government agencies para makapagbigay-serbisyo sa mga manggagawa ng pelikulang Filipino.
Nagbigay ng ayuda sa 15, 000 beneficiaries na umabot sa P75-M ang budget na inilaan ng gobyerno, na inorganisa sa pamumuno ni House Speaker Atty. Martin Romualdez. Layunin ng programa na mas mailapit sa mga tao ang serbisyong-gobyerno, na sa pagkakataong ito ay ang sector ng film industry ang beneficiaries.
Dumalo sa event ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ang ilang politiko tulad nina Sen. Bong Revilla, Jr.at Congw. Lani Mercado, Rep Erwin Tulfo, dating DILG Sec. Benhur Abalos, Pasig Cong. Roman Romulo, QC Cong. Arjo Atayde at marami pang iba bilang suporta sa adbokasiya ng MMFF MMDA, MOWELFUND, FDCP FAP at AKTOR na matulungan ang mga taga-industriya, lalo na ang malilit na manggagawa.
Pagkatapos ng programa, naka-usap namin si Sen. Bong at sinabi nitong nakapangingilabot na for the first iyong mga taong nakatrabaho niya noon ay makikita niya ngayon.
“Sa totoo lang nakakapangilabot lalo na ngayon ko lang nakita na akala ko wala na, ‘yung first leg man ko sa pelikula, si Danny Labo na tao ni direk Carlo J Caparas, talagang ‘wow’! Sabi ko, ‘buhay ka pa pala.’ Tapos maraming mga stuntman na mga dating nakatrabaho na ngayon lang uli nakita,” nakangiting pagbabahagi ni Sen. Bong.
Naibahagi ng senador na nag-umpisa ang Bagong Pilipinas Serbisyo Caravan ay umiikot sa buong Pilipinas. “Namamahagi ito ng tulong sa ating mga kababayan, halos 60 ahensiya ng gobyerno ang dinadala everywhere para mismong inilalapit ng gobyerno sa tao at hindi na kailangang ang tao pa ang lumapit sa gobyerno tulad ng DOLE, NBI, passport, police clearance, Philhealth, at iba pa. Lahat iyan. Kaya ito napakalaking bagay ng programang ito na hanggang bukas na magbibigay-serbisyo.
“Kaya tuwang-tuwa ako, masarap sa pakiramdam. Kaya nga noong nabanggit sa akin ni Speaker Romualdez na sana babanggitin ko rin sa kanya (proyekto) sabi ko, ‘Speaker sana matulungan din natin ang mga taga-industriya.’ At ang sagot niya, ‘inaayos na namin iyan.’ Wow! natuwa ako. Talagang ganoon sila, pinoprograma na nila lahat, bawat sektor. Kaya I’m so happy, sabi nga katakot-takot na pamba-bash. Sa akin sa totoo lang, Kaya ang ginagawa ng pangulo, ni speaker talagang tumutulong sa tao.
“‘Yung sa atin, basta sa akin, ‘yung totoo lang, sino ba ang nakakatulong sa tao? Wala munang politika. ibaba natin ang tulong sa mamamayang Filipino na nangangailangan tulad ng mga kapatid natin sa industriya na nangangailangan sila. Kaya napakalaking tulong ito sa kanila kaya salamat Mr. President, Mr. Speaker,” giit pa ni Sen. Bong.
Ibinahagi pa ni Sen. Bong na marami pa silang proyektong nakapila tulad ng kung paano magagaya ng industriya ang Korea. “Kung paano matutulungan ng national government ang ating industriya sa paggawa ng pelikula, mabuhay muli ang pelikulang Filipino. Ang gagaling gumawa ng pelikula ng mga Pinoy. Maaari tayong makipag-compete talaga worldwide.
“Basta huwag kayong mag-alala bubuhayin natin ang pelikulang Filipino,” pangako pa ng senador.
At kung may sapat na budget, baka maging taon-taon na rin ang grand event na ito, sabi pa ng senador.
Samantala, 23 ahensiya ang nagbigay ng mahigit sa 100 programa na naglalayong pahusayin ang kapakanan at paglago ng mga miyembro ng industriya. Nakaangkla ito sa Bagong Pilipinas na pananaw na isinulong ni Pangulong Marcos, na nagmamarka ng isang makabuluhang hakbang tungo sa pagkilala at pagtataguyod para sa mga kontribusyon sa kultura at ekonomiya ng industriya ng malikhaing sining sa bansa. Inorganisa sa ilalim ng visionary leadership ni House Speaker Atty. Martin G. Romualdez at sa estratehikong pakikipagtulungan sa pamunuan ng MMFF, at mga stakeholder. Ang Serbisyo Fair ay ginawa para mas malapitan ang mga serbisyo at benepisyo ng gobyerno sa mga taong walang sawang nag-aambag sa likod ng mga eksena ng industriya ng pelikula. Nanguna sa mahalagang kaganapang ito ay ang Chairman ng MMFF na si Atty. Romando Artes; MOWELFUND Chairman, Boots Anson Roa, kasama ang Presidente at CEO, Rez Cortez; at mula sa FDCP, si Chairman Joey Reyes kasama si Executive Director III, Daniel David Morales, ang gumabay sa pagsingil.
“Ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ay isang mahalagang hakbang sa pagtiyak na ang ating mga manggagawa sa sinehan ay kinikilala, ipinagdiriwang, at higit sa lahat, sinusuportahan,” ani Atty. Artes sa seremonya ng pagbubukas ng kaganapan. “Sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng MMFF, MOWELFUND, FDCP, FAP, at AKTOR, inilalabas natin ang isang panahon na ang tulong ng gobyerno ay mas naa-access sa mga taong bumubuo ng backbone ng cinematic ventures ng ating bansa.”
Binigyang-diin naman ni Ms Boots ang papel ng Serbisyo Fair sa pag-angat ng buhay ng mga manggagawa sa sinehan. “Ito ay higit pa sa isang kaganapan; ito ay isang patunay ng aming patuloy na pangako sa pagpapahusay ng kapakanan ng bawat indibidwal na nag-aambag sa magic ng Philippine cinema.”
Ang Bagong Pilinas Serbisyo Fair ay nagtatakda ng benchmark para sa mga hinaharap na hakbangin na naglalayong suportahan ang mga lokal na manggagawa sa sinehan. Sa pamamagitan ng pagtutulungan at pinag-isang suporta, ang MMFF at ang mga stakeholder nito ay nagpapakita ng hindi natitinag na dedikasyon sa kasaganaan at kagalingan ng mga hindi kilalang bayani ng industriya ng pelikula, na naglalatag ng matibay na pundasyon para sa kanilang pagkilala at seguridad.