MA at PA
ni Rommel Placente
DAHIL magaling na host ang comedian-talent manager, content creator-host na si Ogie Diaz kaya kinuha siya ng TV5 para mag-host sa Quizmosa, na kasama sina Tita Jegs at Ton Soriano.
Pero siyempre, bago ito tinanggap ni Ogie ay nagpaalam muna siya sa TV executive na si Ms. Cory Vidanes, channel head ng Kapamilya channel. Rito naman nagsimula ang comedian-talent manager at hindi nawawalan ng mga proyekto sa tulong na rin ni Ms. Cory na mahal na mahal siya.
At sa kanyang Facebook account, ayun at sinabi nga ni Papa O na nagpasintabi muna siya kay kay Ms. Cory.
Post ni Ogie, “Kinakabahan ako. Charot. Pero wa echos, nae-excite ako kasi panibagong challenge ito sa buhay ko.
“Kung kailan naman nagkaka-edad na at saka naman nabibigyan ng mga ganitong pagkakataon, choosy pa ba? Hehehe. Thank you, Papa God! (emojis praying hands and smiling face with a heart)
“Samahan n’yo kami nina Jegs Chinel, Ton Soriano, ha?
“Thank you sa TV 5 sa pasabog na pag-welcome. [May] pa-billboard pa silang nalalaman, kaya sana, ma-meet namin ang expectations ng management.
“Yes, bago pa ho ako nakipag-meeting sa creatives ng TV 5, nagpaalam po ako sa aking nirerespetong Channel Head ng ABS-CBN, si Tita Cory Vidanes, at nakakuha naman tayo ng basbas, kaya thank you, Tita Cory! I love you!
“Kay Joaquin Enrico C Santos na siya ring nagbigay sa akin noong 2005 ng ‘Showbiz No.1’ (daily talkshow with my Mareng Nina Corpuz at Jc Cuadrado), thank you sa trust and confidence mo, Enrico!
“Ganun din kina Direk Derick Cabrido, Acris Linaban Tobias at sa buong TV5, salamat talaga!
“Game nang chumika! Basta tama ang sagot at impormasyon n’yo, mga Kapitbahay kong ‘Quizmosa,’ malaki ang chance mong mag-uwi ng cash prize!”
Good luck Papa O sa bago mong show na Quizmosa sa TV5, na mapapanod na simula sa October 21 after Eat Bulaga.