Friday , November 15 2024
ICTSI Papua New Guinea PNG Philippines

Sa pagtutulay ng mga bansa:  
Pagpapalawak NG ICTSI sa Papua New Guinea nagpalakas sa pandaigdigang ekonomiya at sa Filipinas

ANG PANDAIGDIGANG EKONOMIYA ay umuunlad sa kalakal, lohistika, at impraestruktura — sa pag-inog nito, ang International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI), isang kompanyang pag-aari ng isang Filipino, ay nasa puso ng pabago-bagong pag-unlad nito.

               Sa mga nakalipas na dekada, ang ICTSI ay nagpalawig ng operasyon, kabilang dito ang Papua New Guinea, at iyan ay makabuluhang nakaaapekto hindi lamang sa Filipinas kundi pati sa ekonomiya ng Asia Pacifico at sa pandaigdigang daloy ng mga supply, lalo sa mga produkto at serbisyo.

Layunin ng artikulong ito na galugarin ang pagpapalawak ng ICTSI sa Papua New Guinea, ang kabuluhan at kahalagahan sa dalawang bansa, at ang mas malawak na epekto sa pandaigidigang ekonomiya.

Ang Pinagmulan ng ICTSI at ang pag-unlad sa PH

ITINATAG noong 1987 ng negosyanteng si Enrique Razon, Jr., ang ICTSI ay isa sa mga nangungunang terminal operators sa buong mundo, na makikita sa 30 bansa.

               Dalubhasa sa pagpapaunlad ng mga pantalan sa pamamagitan ng operasyon at pamamahala, ang ICTSI ay may mahalagang papel sa pagpapahusay ng sektor ng maritima sa Filipinas. Isinulong nito ang modernisasyon at pagpapalawak ng mga lokal na pantalan, lalo ang Manila International Container Terminal (MICT), ang krusyal na pahatiran ng kalakalan sa bansa.

Ang Pagpapalawak sa Papua New Guinea

PUMASOK ang ICTSI sa Papua New Guinea noong 2018 nang kunin nila ang South Pacific International Container Terminal (SPICT) sa Lae at ang Motukea International Terminal (MIT) sa Port Moresby.

Ang dalawang pantalan ay kapwa mahahalagang entrada sa rehiyong Asia Pacifico para sa pagpapagana at pagkilos ng mga kalakal sa Australia, Southeast Asia, at sa Pacific islands.

               Sa pagpasok ng ICTSI, ang dalawang pantalan ay naging modernisado at may sapat na kagamitan at impraestrukturang puwedeng ipagmalaki sa buong mundo, kaya madali at simpleng napagana ng Papua New Guinea ang kanilang lohistika at mga aktibidad sa kalakalan, na pinakinabangan nang husto ng mga sektor ng nagluluwas at nag-aangkat.

Epekto sa Ekonomiya ng Filipinas, Pagtaas ng Pamumuhunan at Kita

ANG pandaigdigang pagpapalawak ng ICTSI, ay nagbalik ng benepisyong pinansiyal sa Filipinas. Nag-ambag ito ng kita mula sa operasyong internasyonal sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng buwis sa korporasyon, mga padala, at paglikha ng trabaho sa punong tanggapan.

               Pinagaganda nito ang reputasyon sa pandaigdigang lohistika, inaakit ang dayuhang mamumuhunan sa iba pang sektor gaya sa manupaktura, pagpapadala, at pag-aangkat.

Paglikha ng Trabaho at Pag-unlad ng mga Kasanayan

NAG-EEMPLEYO ang ICTSI ng libo-libong Filipino, mula sa mga operasyong pampantalan hanggang  sa pagkuha ng mga tauhan sa administratibo. At habang lumalawak ang kompanya, tumataas din ang pangangailangan para sa mga sanay at may kakayahang manggagawa, na lumilikha ng oportunidad sa trabaho kapwa sa lokal at sa internasyonal.

Ang mga Filipino na naitatalaga sa mga pandaidgigang pantalan gaya sa Papua New Guinea, ay nagiging dalubhasa sa pandaigdigang lohistika at pangangasiwa sa pantalan, na lalong nag-aambag sa talent pool ng bansa sa nasabing larang.

Pagpapalakas ng Bilateral na Relasyon sa Pagitan ng Filipinas at Papua New Guinea

               MAGKASALO ang Papua New Guinea at ang Filipinas sa relasyong may pantay na kapakinabangan.

               Ang pamumuhunan ng ICTSI ay nagpalakas sa bilateral na kasunduan habang nagpapadaloy ng kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa. Ang mga pangunahing kalakal, gaya ng produktong agrikultural, ay mahusay na naibibiyahe sa pagitan ng

Papua New Guinea at ng Filipinas.

Ang pinahusay na kalakalan at lohistika ay pinakikinabangan din ng mga negosyanteng Filipino, dahil sila ay nakapagluluwas ng mga produkto gaya ng bigas at makinarya sa Papua New Guinea.

Tulong na Pag-unlad at Palitan ng Kultura

               ANG MATAAS na antas ng ugnayang pang-ekonomiya ay nagbibigay ng oportunidad para sa tulong na pag-unlad at palitan ng kultura. Ang pananatili ng ICTSI ay nangangalaga ng lumalagong network ng mga negosyo at palitan ng mga tauhan sa pagitan ng dalawang bansa. Dagdag dito, ang inisyatiba ng ICTSI sa corporate social responsibility kadalasan ay kinabibilangan ng community development projects sa Papua New Guinea, ay positibong nasasalamin sa Filipinas.

Pinabuting mga Ruta ng Kalakalan at Pinahusay na Pandaigdigang Daloy ng Supply

               SA PAGMOMODERNISA ng mga pangunahing pantalan sa Papua New Guinea, mahalaga ang papel ng ICTSI sa pagpapadali ng ruta ng kalakalan na nagdurugtong sa Asia patungo sa Pacifico hanggang sa kabila nito. Napapakinabangan ito ng pandaigdigang daloy ng supply sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagkaka-imbudo sa larang ng pagpapadala at pagpapaunlad ng mga kalakal sa pagitan ng mga kontinente.

               Sa pagrebanse ng pandaigdigang kalakalan mula sa pagkakagambala gaya ng naganap noong pandemyang COVID-19, ang mga kompanyang gaya ng ICTSI ay mahalaga sa pagsuporta para makabawi ang pagdaigdigang lohistika at matiyak ang katatagan ng mga network sa kalakalan.

Ang Papel ng ICTSI sa Rehiyonal na Ekonomikong Pag-unlad

ANG PAGLAHOK ng ICTSI sa Papua New Guinea ay naglagay sa kompanya bilang makabuluhang manlalaro sa rehiyonal na kalakalan. Ang rehiyong Asia Pacifico bilang isa sa mga lugar na may pinakamabilis nap ag-unald sa buong mundo, ay nakatindig upang makinabang sa pinahusay na impraestruktura.

Kabiyak ng paglagong ito ang pag-uudyok pa ng mga pagkakataon sa pag-unlad, pagpapalakas ng pang-ekonomikong pagsasama sa loob ng rehiyon, at pagpuwesto ng Filipinas bilang pangunahing manlalaro sa lohistika.

Konklusyon

ANG ESTRATEHIKONG PAKIKIPAGSOSYO sa pagitan ng ICTSI, ng Filipinas, at ng Papua New Guinea

ay higit pa sa pakikipagsapalaran sa negosyo; kumakatawan ito bilang ‘tulay na nagdurugtong’ ng mga bansa at ekonomiya. Sa pamamagitan ng pamumuhunan sa impraestruktura ng pantalan at pandaigdigang lohistika, pinauunlad ng ICTSI ang paglago hindi lamang para sa Filipinas at sa Papua New Guinea bagkus ay nag-aambag rin sa pangkabuuang kahusayan ng pandaigdigang kalakalan. Habang  patuloy ang ugnayan ng buong mundo, ang kompanyang gaya ng ICTSI ay patuloy na gaganap sa isang krusyal na papel sa paghubog ng kinabukasan ng pandaigdigang komersiyo.

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …