Monday , April 28 2025
Jed Patrick Mabilog Duterte drug matrix
EMOSYONAL na ikinuwento ni dating Iloilo Mayor Jed Patrick Mabilog ang trauma na naranasan ng kanilang pamilya matapos siyang ilagay sa pekeng narco list ni dating Pangulo Rodrigo Duuterte, aniya'y tila resulta ng mababang boto na nakuha nito noong 2016 elections sa kanilang bayan. (Kuha ni GERRY BALDO)

Ayon kay Iloilo ex-mayor Mabilog
PEKENG NARCO-LIST GINAMIT NI DUTERTE VS KALABAN SA POLITIKA

092024 Hataw Frontpage

ni GERRY BALDO

GINAMIT ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ‘drug war’ laban sa mga katunggali sa politika.

Sa testimonya ni dating Iloilo Mayor Jed Patrick Mabilog sa Quad Committee ng Kamara de Representantes sinabi niyang gumamit si Duterte ng ‘pekeng drug list’ upang usigin ang kalaban sa politika.

“Despite my hard work and dedication to public service, I was unjustly, baselessly included in former President Duterte’s so-called narco-list. This inclusion was made without any evidence, investigation, or due process,” pahayag ni Mabilog sa pagdinig ng Quad Committee.

Si Mabilog ay wala sa narco list ng Philippine National Police (PNP) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nang tanungin ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel kung bakit nakasama siya sa drug list, ani Mabilog, “Actually, your honors, I really made several attempts to see then-President Duterte. Just to ask kung ano po talaga ang reason kung bakit po ako naisama sa lista. So, gumawa na lang po ako ng assumptions ko for what these reasons are.”

Ang hula ni Mabilog ay may kinalaman ang kanyang “political affiliation.”

Aniya kamag-anak niya si dating dating Senate President Franklin Drilon at ang hindi niya pagsuporta sa kampanya ni Duterte noong 2016 elections ay isa sa mga dahilan kung bakit nakasama siya sa ‘narco list’.

“President Rodrigo Duterte got only 13.7% in the total number of votes in Iloilo City, which is his lowest percentage votes all over the country, while Manuel Roxas po won the majority in Iloilo City,” ani Mabilog.

Emosyonal si Mabilog nang sabihin na nagbago ang buhay niya pagkatapos na isama sa narco list.

“‘Yung lahat na security personnel na naka-detail po sa Mayor ay tinanggal. So ‘yung ginawa ko is pumunta sa then PNP Regional Director na bagong assigned at kinausap ko siya kung ano ang dapat gawin,” aniya.

Wala, aniyang, klarong paliwanag kung bakit isinama siya sa narco list.

Ayon kay Pimentel, walang basehan ‘yung mga lumabas ng narco list.

“In short Mr. Chair, ‘yung binabasehan lang ng Regional Director sa listahan na sinabi ng former presidente, doon lang po niya nakuha ang pangalan ninyo without any validation, ganoon po ba?” tanong Pimentel.

Sagot ni Mabilog: “Yes, Your Honor”

Giit ni Pimentel, si Mabilog ay biktima ng ‘drug war’ ni Duterte.

“In fact, nandiyan po sa affidavit din ho niya because of the several threats and because of several calls from different police authorities telling him… ikaw ang susunod na papatayin. And that is why Mr. Jed Mabilog left the country to save his life and to save his family,” ayon kay Pimentel.

About Gerry Baldo

Check Also

Vote Buying

Isko Moreno, pinagpapaliwanag ng Comelec sa pagbili ng mga boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) si mayoral bet Isko Moreno kaugnay ng vote-buying o …

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …