Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Magic Voyz

Magic Voyz bagong titiliang boy group

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PUNOMPUNO noong Martes ng gabi ang Viva Cafe dahil inilunsad ang all male group na Magic Voyzng Viva Records at LDG Productions.

Kitang-kita ang excitement at saya sa mga dumagsa sa Viva Cafe para mapanood kung totoo nga ba ang bali-balita na may magaling na all male group na magpe-perform.

Nakita namin kung paano mangiliti sa pamamagitan ng kanilang pagkanta at pagsayaw ang Magic Voyz kaya naman may mga accla na kilig na kilig. May punto pa ngang gusto silang maisahan pero game lang sina Jhon Mark Marcia, Juan Paulo Calma, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones, at Johan Shane. 

Mahalaga kasi sa grupo na nakikitang nag-eenjoy ang mga nanonood sa kanila. 

Hindi lang pagkanta ang talent ng ilan sa kanila, sina Jhon Mark, Juan Paulo, at  Mhack pala ay  nagbida na sa Vivamax. Saan ka pa!!

Sina Jace at Johan naman ang pambato ng grupo sa kantahan. Kaya nang kantahin nila ang Maybe This Time, ayun na nagwala na ang karamihan sa kanilang audience.

Ipinarinig ng Magic Voyz ang kanilang first single kasabay ang music video ng ‘Wag Mo Akong Titiganna in fairness nakaka-LSS ha. Hanggang pag-uwi at paglabas kasi namin sa venue may mga kumakanta nito.

Dahil sa magandang reception, nakita namin ang kaligayahan sa kanilang manager na si mader Lito. Sabi nga niya na-miss niya ang mag-manage ng grupo kaya binuo niya ang Magic Voyz . Magaling si mader sa pagha-handle ng grupo eh ‘di ba naman sisikat na ang Baywalk Bodies, Wonder Gays, Milkmen, at Batchmates kung hindi. Kumbaga, kapado na ni mader Lito at alam niya ang pasikot-sikot.

Nakaka-miss ang mag-manage ng grupo. Sing and dance talaga ang challenge ko sa buhay. Nakikita ko kasi na patok ngayon ang mga boy group. So, naisip ko bakit hindi ako mag-training ng boys na nag-lead na sa movies.

Gusto ko kasi, may patunguhan din ‘yung paghuhubad nila at mai-showcase ang kanilang versatility. Ang packaging, sexy actor pero may talent, marunong kumanta, sumayaw aside from acting,” giit ng talent manager.

Magic Voyz ang ipinangalan ni mader Lito sa grupo dahil aniya, “Inspired ang name nila sa Magic Mike.

Bukod sa ‘Wag Mo Akong Titigan, ire-release na rin ang kanta nilang Bintana mula sa komposisyon ng miyembrong si Johan.

Para sa booking, puwedeng kontakin ang Magic Voyz sa kanilang Facebook  page. Maaari ring tumawag sa Viva Artists Agency sa 09178403522.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …