NATAPOS at nakompleto na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang profiling sa halos 27,000 Pinoy na apektado ng pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (POGO), ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma kahapon, Miyerkoles.
Sa press conference, sinabi niyang 26,996 dating mga empleyado ng POGO mula sa National Capital Region, Calabarzon, Central Luzon, at Central Visayas nai-profile na.
Aniya, sila ay mula sa 54 internet gaming licensee companies.
Sinabi ng Kalihim, ang nasabing inisyatiba ay makatutulong upang maikategorya ng DOLE kung anong tulong o pag-alalay ang puwede nilang maipagkaloob sa mga manggagawa.
Sa Oktubre, sila ay magsasagawa ng job fair particular para sa mga dating POGO workers, ani Laguesma.