Friday , November 22 2024

BI deputy commissioner itinalagang acting chief

091224 Hataw Frontpage

ITINALAGA ng Department of Justice (DOJ) si Deputy Commissioner Joel Anthony Viado bilang officer in charge ng Bureau of Immigration (BI) nitong Martes, 10 Setyembre, isang araw matapos iutos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na sibakin si Norman Tansingco

dahil sa kanyang mga pagkukulang bilang pinuno ng ahensiya.

“It is essential that we assure our people that the services of our immigration bureau will remain uninterrupted and consistent regardless of any transition in leadership. Hence, I entrust the stewardship of the bureau to Deputy Commissioner Viado, who I believe is best fit for the position,” pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. Ang BI ay nasa ilalim ng superbisyon ng DOJ.

Epektibo agad ang pagiging OIC ni Viado, naging deputy commissioner noong 2023, hanggang opisyal na makapagtalaga si Marcos ng bagong punong komisyoner.

Ayon kay Remulla, inirekomenda niya ang pagsibak kay Tansingco dahil sa sunod-sunod na kapalpakan — mula sa hindi pagkilos sa inisyung visa sa mga pekeng korporasyon hanggang sa pag-eskapo ni Guo na hindi niya namalayan — kaya naman tuluyang nadesmaya ang kalihim.

Pinasimulan ni Remulla ang imbestigasyon sa nabulgar na pag-iisyu ng BI ng libo-libong employment visa sa mga dayuhang kinuha ng umano’y 500 lokal na kompanya ngunit nabulgar na mga peke pala.

Ani Remulla, ipinabusisi niya ito kay Tansingco ngunit hindi inaksiyonan ng huli.

               Tuluyang sumabog ang kanyang pagtitimpi nang makatakas si Guo.

               Noong Lunes, 9 Setyembre, habang nasa Senate hearing si Tansingco ay biglang pumutok ang balitang sinibak na siya ng Palasyo sa rekomendasyon ni Remulla.

Ani Tansingco, nalaman lang niya ang pagsibak sa kanya sa mga lumabas na balita sa social media. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …