Wednesday , November 20 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Ayuda para sa senior citizens at PWDs sa Lungsod ng Maynila, masyado nang delay

YANIG
ni Bong Ramos

NAG-IIYAKAN na ang hanay ng senior citizens at persons with disability (PWDs) sa lungsod ng Maynila sa sobrang inip sa paghihintay ng kanilang buwanang ayuda na masyado na raw dehado.

Sinabi ng mga nakatatanda na dati raw noong administrasyon ni dating Yorme Isko Moreno ay nata-tanggap nila ang tatlong buwan nilang allowance sa tamang oras at minsan ay mas maaga pa raw.

Ngayon daw panahon ni Mayora Honey Lacuna ay mahigit apat na buwan na ay wala pa rin linaw kung kailan nila makukuha ang kanilang monthly allowance na P500 kada buwan.

Sobrang hirap na raw ng kanilang kalagayan na nasabay pa sa hagupit ng bagyong Carina at Enteng at inabot sila ng matinding baha.

Ang allowance daw nila ay nakalaan para sa kanilang gamot at kanilang daily maintenance na obligado nilang inumin araw-araw.

Ang kanilang pag-inom ng bitamina ay matagal na rin daw nahinto dahil nga sa sobrang delay ng kanilang inaasahang ayuda na kung tutuusin ay hindi naman kabigatan na P500 kada buwan.

Hindi na raw bale ang kanilang pagkain dahil nairaraos nila ito araw-araw sa tulong ng kanilang pamilya at mga kamag-anak.

Ipinagpapalagay ng marami na mas inuuna raw ng city hall ang kanilang political campaign na sobra ang aga dahil sa 2025 pa naman anila ang national election para sila ay magpapogi at mang-uto ng mga tao para sa sarili nilang interes.

Sa puntong ito ay nakikiusap sila sa butihing alkalde Honey Lacuna na i-release na at ilarga na ang pondo para sa mga senior citizen at PWDs sa Maynila.

Huwag na raw masyadong paikutin at binbinin ang pondo dahil ito ay laan talaga para sa kanila.

BLUMENTRITT PUNO NA NAMAN NG VENDORS

Punong-puno na naman daw ng mga vendor ang buong kalye ng Blumentritt sa Sta. Cruz, Maynila at mga side streets nito.

Para na naman daw mga kabuteng bigla na lamang nagsulputan galing sa kung saan-saang bahagi ng Metro Manila dahil marami raw ay hindi lehitimong

residente ng lungsod.

Muli na namang nahirapan ang mga motorista gayondin ang mga pedestrian na madaanan ang nasabing kalye dahil sa rami ng mga vendor.

Dati’y puwede kang maglaro dito ng patintero at tumbang-preso dahil sa luwag ng kalye ngunit ngayon ay balik na naman sa dati na parang wala na namang limitasyon ang mga vendor.

Hindi malaman ng publiko kung kanino mananawagan, kung sa mga pulis ba na nakatalaga sa police detachment o sa ilang politiko sa city hall at congressman.

Ayon sa mga pulis, wala na raw silang masyadong awtoridad sa nasabing lugar dahil sumusunod na lang sila sa utos ng ilang politiko sa city hall at ilang congressman.

Tila ‘robot’ at ‘symbolic figure’ na lang daw ang papel nila rito na para bang front na lang ng sinasabi nilang mga politiko na pansamantalang hindi muna natin papangalanan.

Kung sino man sa dalawang panig na ito ang nag-sasabi ng totoo ay bahala na sila sa buhay nila, wala nang turo nang turo at baka mamatanda pa o dili kaya’y manuno sa punso.

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …