Sunday , December 22 2024
Quiboloy sumuko

Sa 24-oras ultimatum ng PNP
QUIBOLOY, 4 PA SUMUKO

IMBES arestohin, binigyan ng pagkakataong sumuko ng mga awtoridad ang puganteng pastor na si Apollo Quiboloy at apat na iba pang indibiduwal matapos ang 24-oras ultimatum na ipinataw ng Philippine National Police (PNP), nitong Linggo, 8 Setyembre.

Ayon kay P/Col. Jean Fajardo, tagapagsalita ng PNP, nakuha ang kustodiya si Quiboloy, kasama ang iba pang suspek na sina Jackielyn Roy, Ingrid Canada, Cresente Canada, Sylvia Cements, sa loob ng compound ng Kingdom of Jesus Christ (KJC), sa lungsod ng Davao.

Ani Fajardo, iniluwas si Quiboloy at apat na iba pa mula sa lungsod ng Davao sakay ng C-130 plane dakong 6:30 ng gabi kahapon.

Dumating ang eroplano sa Villamor Airbase dakong 8:30 pm at  nakarating sa PNP custodial center bandang 9:10 pm.

Pahayag ni Fajardo sa isang panayam sa harap ng PNP custodial center, binigyan nila ng 24-oras ultimatum ang puganteng pastor na sumuko at nagkaroon umano ng mga negosasyon sa tulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kinahaharap ni Quiboloy at ng lima pang akuasdo ang mga kasong child abuse sa hukuman sa lungsod ng Davao na inilipat na sa Quezon City courts.

Isa sa kanila ang nasa kustodiya na ng mga awtoridad simula noong Hulyo.

Gayondin, mayroong standing arrest warrants si Quiboloy para sa kasong human trafficking na inilabas ng hukuman sa lungsod ng Pasig. (HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …