Sunday , December 22 2024
Richard Gomez

Goma pinanggigilan ng mga netizen

MA at PA
ni Rommel Placente

HALATANG napikon si Richard  Gomez. Matapos kasing batikusin ng madlang pipol ang kanyang Facebook post tungkol sa hinaing sa trapiko, nag-reak siya sa artikulong naisulat kaugnay nito.

Sa kanyang Threads account ay inilabas niya ang saloobin hinggil sa kanyang viral post.

Dito ay binatikos ni Richard ang mga manunulat na sumulat ng articles patungkol sa kanyang traffic rant.

Paki-check nga kung deleted ‘yung post ko? Pakisabi sa mga ungas na writers tingin-tingin din kapag may time,” saad ng 4th District of Leyte representative.

Sa comment section ay makikita ang panggagalaiti ng netizens dahil sa kabila raw ng pag-call out kay Richard ay nananatili pa rin itong “insensitive” at “privileged.”

Wag po kayong bastos. Di porke’t congressman kayo eh nagmamataas na kayo. Public office is a public trust. Accountable ka sa taumbayan. Ang nasabi ay nasabi na kahit nadelete pa. The only way to be accountable for the incompetent thing you said is to apologize. Say ‘sorry’ sa mga nagpapasweldo sayo. Mahirap ba? If so, leave public service,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isang netizen sa post ni Richard, “Deleted or Hinde, it doesn’t changed the fact how privileged you are. Lack of compassion para sa mga daily

commuters.”

Naging usap-usapan ang actor-politician sa social media matapos mag-viral ang kanyang post na nadesmaya sa lala ng traffic sa Metro Manila.

Two hours in EDSA traffic and counting. From Makati, Ayala, nasa SM Edsa pa lang ako up to now. Eh [Quezon City] ang punta ko. [One to two] hours pa ba?!” saad ni Richard sa post.

Kasunod nito ang pagmumungkahi niya na buksan ang bus lanes kapag mabigat na ang daloy ng traffic.

Ilang bus lang ang gumagamit ng bus lane, bakit hindi buksan during heavy traffic para mas lumuwag ang traffic?” aniya pa.

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …