Sunday , December 22 2024
Carlos Yulo ArenaPlus
TINANGGAP ni double Olympic gold medalist and ArenaPlus brand ambassador Carlos Yulo --- nasa gitna nina Gymnastics Association of the Philippines President Cynthia Carrion, DigiPlus Head, Offline Operations Jasper Vicencio, DigiPlus Chairman Eusebio “Yosi” Tanco, at DigiPlus Vice President Celeste Jovenir --- ang regalong P5 milyong cash sa ginanap na “DigiPlus Astig Ka, Carlos!” press conference. NASA LARAWAN (mula kaliwa pakanan) sina Insight 360 President Christopher Cahilig, double gold medalist Carlos Yulo, at ang manager ng atleta na si Khai Liclican sa pagdiriwang ng tagumpay ng Olympian sa “DigiPlus Astig Ka, Carlos!” press conference.

Sa makasaysayang tagumpay sa 2024 Paris Olympics
DigiPlus, ArenaPlus pinarangalan si Yulo, niregalohan ng P5-M cash

Carlos Yulo ArenaPlus 1
TINANGGAP ni double Olympic gold medalist and ArenaPlus brand ambassador Carlos Yulo — nasa gitna nina Gymnastics Association of the Philippines President Cynthia Carrion, DigiPlus Head, Offline Operations Jasper Vicencio, DigiPlus Chairman Eusebio “Yosi” Tanco, at DigiPlus Vice President
Celeste Jovenir — ang regalong P5 milyong cash sa ginanap na “DigiPlus Astig Ka, Carlos!” press conference.


BUONG PAGMAMALAKING ipinagdiwang ng DigiPlus Interactive Corp., pinakamabilis na lumalagong digital entertainment company sa Filipinas, kasama ang kanilang popular na sports betting app na ArenaPlus, ang makasaysayang tagumpay sa 2024 Paris Olympics ni Carlos Yulo sa pamamagitan ng kagandahang loob na P5,000,000 cash gift sa idinaos na grand media event na “Astig Ka, Carlos!”

               Ginanap nitong nakaraang Sabado, 31 Agosto, sa Cinema 11 ng Gateway Mall 2, Araneta City, ang kaganapan ay nagkaloob sa publiko ng pagkakataon upang parangalan ang kapansin-pansing dedikasyon, talento, sipag, at pagsusumikap para kilalanin ang kanyang monumental na tagumpay sa pagwawagi ng dalawang gintong medalya para sa Filipinas, sa Men’s Vault at Men’s Floor artistic gymnastics.

 Carlos Yulo ArenaPlus 2
NASA LARAWAN (mula kaliwa pakanan) sina Insight 360 President Christopher Cahilig, double gold medalist Carlos Yulo, at ang manager ng atleta na si Khai Liclican sa pagdiriwang ng tagumpay ng Olympian sa “DigiPlus Astig Ka, Carlos!” press conference.

Matapos ipakita ang kanyang ekstra-ordinaryong kakayahan at nakapagtakda ng bagong kriteryo para sa mga atletang Pinoy sa pandaigdigang yugto, ang DigiPlus, at ang kanilang sports betting arm na Arena Plus, ay nagbigay kay Yulo ng isang karapat-dapat na mainit na pagtanggap sa pamamagitan ng “Astig Ka, Carlos!” press conference.

Ipinahayag ni Eusebio H. Tanco, Chairman ng DigiPlus, ang kanyang paghanga, at sinabing, “Carlos’ victories at the Paris Olympics are not just personal triumphs; they are a beacon of hope and possibility for every aspiring Filipino athlete dreaming of making their mark on the world stage.”

Dagdag niya, “DigiPlus is immensely proud to support champions like Carlos, whose relentless pursuit of excellence embodies the spirit of the Filipino people.”

Samantala, ipinahayag ni Yulo ang kanyang pasasalamat sa DigiPlus at ArenaPlus para sa kanilang walang humpay na suporta.

“Nagpapasalamat ako nang sobra sa DigiPlus at ArenaPlus sa pakikipagdiwang ng panalong ito sa akin, at pagkilala sa aking pagtitiyaga. Hindi naman ganoon kadali ang tagumpay — nangyayari ito kasama ang suporta ng mga naniniwala sa iyo. Isang karangalan na magkaroon ng mga pambihirang kaagapay sa aking panig habang sinusungkit natin ang mga pangarap para sa Filipinas.”

Nagsimula ang bonggang selebrasyon sa pamamagitan ng “tribute audio video presentation” na nagpapakita ng mga sandali ng makapigil-hiningang panalo ni Yulo. 

Mahusay na iginiya ng host na si Sean Kyle Ortega, ang press conference ay binuksan ng pananalita mula kay Chairman Yosi Tanco, na may diin sa kahalaghan ng mga tagumpay ni Yulo para sa mga mamamayang Filipino.

Kasunod nito, ipinagkaloob kay Yulo ang P5 milyong regalo at plaka ng pagpapahalaga, bilang simbolo ng pasasalamat sa karangalang iniuwi niya sa bansa. Ibinahagi ng maraming mamamayan ang kanilang mga mensahe ng pagbati at suporta kay Yulo, sa isa pang tribute video na ipinalabas sa nasabing event.

Nagbahagi rin si Yulo ng inspirasyon sa pamamagitan ng pagkukuwento tungkol sa kanyang paglalakbay, at ang kagalakan nang maabot ang kanyang mga pangarap.

Sa nasabing press conference, ipinahayag ng DigiPlus ang muling paglagda sa kontrata ni Yulo sa ArenaPlus, bilang kaagapay na nagpapakita ng patuloy na suporta ng kompanya sa pagsusulong ng kanyang athletic career.

Sa huling yugto, nagkaroon ng Q&A session, na sinagot lahat ni Yulo ang mga tanong mula sa media at nakihalubilo sa kanyang mga tagahanga.

“Carlos’ success is a powerful reminder that with dedication, hard work, and the right support, Filipinos can achieve greatness. At DigiPlus, we are deeply committed to empowering not just Carlos, but other aspiring athletes who strive to make their dreams a reality,” habol na pahayag ni Chairman Yosi.

Ang DigiPlus Interactive Corp., ay pinakamabilis na lumalagong digital entertainment company sa bansa.  Nasa ilalim ng operasyon nito ang mga nangungunang digital platforms gaya ng BingoPlus, ArenaPlus, PeryaGame, Tongits+, at BingoPlus Poker, at maraming iba pang darating.

Ang ArenaPlus, ay nagungunang sports betting app na naghahatid ng iba’t ibang sports live streaming sa Filipinas, naglilingkod bilang nangungunang sports entertainment gateway para sa mga Filipino.

Para sa iba pang impormasyon, maaaring bumisita sa www.digiplus.com.ph or www.arenaplus.ph. (GMG)

About G. M. Galuno

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …