NILAGDAAN ni Manila Mayor maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang isang bagong ordinansa na naglalayong magkaloob ng cash gift na P2,000 sa bawat magtatapos sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UdM).
Ang bagong cash incentives ang nilalaman ng Ordinance Number 9068, na ipinanukala sa Manila City Council ni Councilor Pamela Fugoso-Pascual at Majority Floor Leader councilor Ernesto Isip, Jr., bilang principal authors.
Ang PLM at ang UdM ay itinatag at pinatatakbo ng pamahalaang lungsod ng Maynila.
Sinabi ni Lacuna, ang “Taas-Noo Manileño Graduation Gift Ordinance 2024” ay layong magbigay sa mga magsisipagtaois sa UdM at PLM ng cash gifts at ito ay epektibo sa School Year 2023 – 2024.
Ayon kay Fugoso, ang insentibo ay ipinagkakaloob “in recognition of the vital role of the youth in society and nation-building.”
“Both premier universities have produced graduates that have become significant contributors to nation building, bearing the ideals and aspirations of every Manileño,” pahayag ni Isip.
Ang bawat recipient ay dapat na naka-enrol, bonafide Manila resident, at mayroong good standing sa UdM o PLM.
Samantala, ipinapanalangin ni Lacuna ang matagumpay na gamutan sa back injury ng Olympian pole vaulter EJ Obiena at kasama sa dalangin ng alkalde ang mabilisang paggaling ng atleta.
Matatandaan na si Obiena ay pinagkalooban ng P.5 milyong cash incentive ng Manila city government kamakailan para sa fourth place finish nito sa 2024 Paris Oympics.
Si Obiena at true-blue Manileño na tumira at lumaki sa Tondo at nag-aaral sa University of Santo Tomas (UST). (BONG SON)