Friday , November 22 2024
LA Santos Kira Balinger Benedict Mique

Direk Migue pinagtrabaho muna sa grocery at restoran sina L A at Kira — they need to feel the life of real workers 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI masyadong nahirapan sa shooting ng Maple Leaf Dreams sina direk Benedict Mique dahil may mga Filipino counterpart sila sa Canada kaya hindi na nila kinailangang magdala ng mga equipment.

Sa pakikipaghuntahan namin kay direk Migue nasabi pa nito na, “pati ang mga ibang crew andoon na. ‘Yung pagpunta namin sa Canada medyo convenient. Ang mahirap lang kasi hindi ka pamilyar sa lugar pero mae-enjoy mo ang shoot kasi ‘yung weather, March o April andoon kami hindi na masyadong malamig. It was fun.

“Hindi naman din namin sinagad ‘yung shoot, hindi bugbugan,” sabi pa.

Sa Toronto, Canada nag-shoot ang Maple Leaf Dreams dahil maraming Pinoy doon. “Pinaka-maraming Pinoy sa Toronto, 1.2. milyon. Tinarget namin ‘yung strategic, ang gusto namin ‘yun talagang pinaka-maraming Filipino.”

Sinabi rin ni direk Benedict na bago sila nag-shoot nag-immersed muna sina LA at Kira rito sa Pilipinas.

“I told them you need to feel the life of real workers because ang character nila ay workers. Ang una nilang training ay sa kaibigan ko na may-ari ng restaurant at grocery. Si LA pinagtrabaho ko as dishwasher for one week. Sabi ko you need to feel how it is to commute.

Si Kira naman sa office naman. Iba ang galaw sa tunay na buhay. Pati ‘yung pag-carry ng bag. May junkshop kami so I told them to observe para makita nila ang hitsura at magsalita ang masa. Napaka-natural nila.”

Napahanga naman nina L A at Kira si direk Migue. “Na-achieve naman nila. They worked for it. Napaka-importante sa paggawa ng pelikula na kaya nila ma-portray ang characters. You have to be prepared.

They worked hard. In this movie, LA does a good job and will convince you. The movie confirms his ability to act. He’s good.”

Ipinagmamalaki ni direk Migue ang kanyang

pelikula. “Ang ganda nitong story about couples going to Canada. Hindi lang galing sa Pilipinas kundi sa ibang bansa rin. Doon sila sumusugal. Ang daming Filipino sa Toronto. Parang Los Angeles.

“Canada is the new America. Dati US ang pangarap nila pero now Canada naman. Masaya sa Canada sa una but when you start living the real life there, working na kayo, malungkot,” sabi pa.

Nasabi ni direk na ang pelikula ay partially inspired sa kanyang pamilya nang magtungo sila sa  Canada noong 2023. At nang magbalik siya sa ‘Pinas nasabi niyang mas gusto niyang magtrabaho rito kaysa roon.

Okay magbakasyon pero mahirap manirahan doon. Director ako rito baka gasoline boy ako roon. It’s a struggle there. Mahal sa Toronto. Hindi lang Pinoy kundi mahirap din for other nationalities. 

Mahirap sa Canada pero mas mahirap naman dito. Parang sumusugal na lang sila roon eh. Last year we went to Canada pero ayoko na bumalik doon. Masarap pa rin sa Pilipinas,” pagbabahagi pa ng direktor.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …