Sunday , November 17 2024
Dragon Lady Amor Virata

Star City hanggang 2026 na lang

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

HALOS magtatatlong dekada din na maraming napasaya at nag-enjoy sa sinasabing pambansang karnabal sa bansa ang Star City. Dahil magtatapos na ang kontrata sa taong 2026 sa gobyerno.

Ang Star City ay nasasakupan ng lungsod ng Pasay at ayon kay Department of Finance Secretary Ralph Recto, kasama ang sakop na lote ng Star City sa listahan ng mga government property na planong ibenta pero sa kasalukuyan ay wala pang pinal na desisyon sa usaping ito.

Ang Star City na pinangangasiwaan ng mga Elizalde at naroroon din ang himpilan ng DZRH radio station, ay maituturing na isa sa pinakamagandang amusement park sa bansa na dinarayo ng mga iba’t ibang tao mula sa probinsiya at nakakasama sa mga field trip ng mga estudyante mula sa iba’t ibang eskuwelahan sa ating bansa.

Kabilang sa taon-taon na ginagawa dito ay ang aliwan na kompetisyon ng mga cultural dance sa bawat lalawigan.

Samantala, binatikos ng ilang sektor sakaling ibenta ng gobyerno ang Star City sa halagang 15 bilyong piso.

Anila, hindi pa nakontento ‘di umano ang gobyerno sa pagpapatupad ng reclamation site na may sukat na 600 ektarya na sinisimulan ng tambakan.

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …