MA at PA
ni Rommel Placente
SA katatapos lang na Cinemalaya XX Awards Night, na ginanap noong Linggo ng gabi, Agosto 11, sa Ayala Malls Manila Bay ay tie bilang Best Actress sina Marian Rivera para sa Balota at Gabby Padilla para sa Kono Basho.
Si Marian ay kinilala para sa kanyang pagganap bilang teacher na nanindigan sa gitna ng dayaan sa eleksiyon sa Balota at si Gabby naman bilang anthropologist na pumunta sa Japan para sa funeral ng kanyang Japanese father sa Kono Basho.
Ang child actor na si Enzo Osorio ang itinanghal namang Best Actor para sa kanyang pagganap bilang deaf boy na inabuso ng pari sa The Hearing.
Best Full-length Film ang regional film na Tumandok.
Best Director si Jaime Pacena para sa Kono Basho.
Best Supporting Actress si Sue Prado para sa Kantil at Best Supporting Actor si Felipe Ganancial para sa Tumandok.