Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata
PAGBUKAS ng facebook account mo puro online selling na ang makikita mo. Iba’t ibang produkto, mga house for sale at condominiums, maging mga gamot at beauty products na minsan ay mga peke.
Dapat lang patawan ng withholding tax ng BIR, at ang iba pa na kung minsan ay nakaiinis na. Maging sa Marketplace page sangkatutak na for sale.
Kung makakokolekta ang BIR, bilyones sigurado.
***
Parañaque target tax collections P12-B to P13-B sa 2025
HINDI na maawat pa at patuloy na tumataas ang ekonomiya ng lungsod ng Parañaque at take note ha, debt free ang administrasyong Eric Olivarez.
Sa patuloy na paglago ng ekonomiya ng lungsod, suwerte ang constituents ng Parañaque dahil marami pang proyekto at programa ang administrasyong Olivarez. Kaya hindi umano papayag ang punong lungsod na may mga baguhang tatakbo bilang alkalde sa lungsod sa 2025 local elections. Titiyakin ng kampo Olivarez na ang kanilang pinagsumikapan ay huwag mapunta sa wala.