Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xia Vigor

Xia Vigor, excited makatrabaho si Sarah Geronimo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HABANG nagdadalaga ay lalong gumaganda ang dating child star na si Xia Vigor.

Five years old siya nang nagsimula sa showbiz, ngayon siya ay 14 years old na at hindi tulad ng ibang child star, ang career ni Xia ay tuloy-tuloy at hindi dumaan sa awkward stage.

Aniya, “Honestly, I don’t really think… parang nag-stop lang po talaga ako noong 12 years old ako dahil nag-stay kami sa province. Choice rin namin iyon dahil eversince na nagka-pandemic, hindi naman po talaga puwedeng mag-shoot ang mga bata.

“So, I think I wouldn’t say na nag-stop talaga ako sa showbiz, parang nag-rest lang po ako saglit.  

“Pero ngayon na puwede ulit mag-shoot ang mga bata, mas comfortable nang gumalaw at mas madali nang mag-shoot ng movies.”   

Matatandaang isa si Xia sa tampok sa pelikulang Miracle in Cell No. 7 noong 2019. Kasama niya rito sina Aga Muhlach, Joel Torre, JC Santos, John Arcilla, at iba pa.

Ang naturang pelikula ay naging numero uno sa box office sa nasabing December annual filmfest.

Anyway, sa aming panayam kay Xia ay nabanggit din ng bagets ang nilulutong project na makakasama niya si Sarah Geronimo.

Kuwento niya, “We will start shooting a new one, I don’t think na puwede ko nang i-mention ito… Puwede na bang i-mention? Kasama ko po roon si Ate Sarah G.  

“Hindi pa po kami nakakapag-start sa shoot, pero we will be starting soon.”

Nalaman din namin na ito ay isang Korean adaptation movie.

First time makakatrabaho ni Xia si Sarah at ayon sa kanya, masarap daw ang feeling niya na makakatrabaho ang misis ni Matteo Guidicelli.

“Opo first time, sobrang masarap po sa feeling kasi of course I know that siyempre, sobrang tagal na rin po niya sa industry. She’s been through a lot, she’s also a great singer, alam ko pong marami akong matutunan sa kanya.

“I’m really looking forward to working with her soon.”

Excited na ba siyang makatrabaho si Sarah?

“Super po, super-excited na po akong makatrabaho si Ate Sarah.

“Sobra po akong impressed sa kanya the way she performs, nadadala talaga niya iyong crowd and everything. Nakakahanga po talaga siya and it’s such an honor to work with her,” masayang pahayag pa ni Xia.

Masasabi ba niyang itong movie nila ni Sarah ang magiging biggest break niya?

Tugon niya, “Hopefully po, kasi after noong Miracle in Cell No. 7, I think iyon ang movie na pinaka mas nare-recognize ako ng mga tao. Pero I hope this one can be like that too.

“And let’s just see what happens, but I’m looking forward po talaga.”

Nakangiting pahabol pa ni Xia, “Pero whatever happens, I’m just so grateful to be able to work with her (Sarah).”

Samantala, abangan ang horror movie na “Nanay Tatay” ng Viva Films na mapapanood sa mga sinehan very soon.

Bukod kay Xia, tampok din dito sina Andrea del Rosario, Jeffrey Hidalgo, Elia Ilano, Heart Ryan, Aubrey Caraan, at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …