Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marco Gallo Heaven Peralejo MarVen

MarVen deadma kahit supporting lang sa 3rd university series

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KEBER kapwa sina Marco Gallo at Heaven Peralejo kung ilang beses silang maging suporta lamang sa mga university series na isinulat ni Gwy Saludes.

Unang sinuportahan nina Marco at Heaven sina Jerome Ponce at Krissha Viaje sa Safe Skies Archer matapos nilang magbida sa The Rain In Espana.

At sa ikatlong university series na bida

sina Gab Lagman at Hyacinth Callado, ang

Chasing In The Wild muli sumuporta ang

MarVen. 

Alam naman naming lahat that everyone was gonna have their book. So, I’m actually happy na nauna kami kasi parang ‘yung lahat ng bigat. . .parang exam lang sa school. Kami ang nauna, tapos na,” ani Marco sa mediacon ng Chasing in the Wild na ginanap sa Viva Cafe.

Hindi rin iniisip ni Marco na supporting lang

sila dahil nag-enjoy sila sa pakikipagtrabaho sa mga kasamahan nila na itinuring na nilang pamilya.

Heaven and I are just enjoying the whole thing now. It’s less stressful coz we have less lines to take care of on set and we have our own thing going. Like this feels like a recap,” sabi pa ni Marco.

Ikinatutuwa rin ng MarVen na nadadagdagan ang barkada at fans ng loveteams nila sa tuwing may bagong installment.

Nakatutuwa lang na makita na dumadagdag ‘yung lahat ng fans ng iba’t ibang loveteams. Parang naggro-grow lahat,” aniya.

“Yeah, you know, super-chill lang, walang ano lang. Nakatutuwa nga, eh, ang dami kong banner na nakikita kay Hyacinth, that’s cute,” wika pa ng aktor.

Iginiit din ni Heaven na para na silang isang pamilya at bilang sila ang unang inilunsad na loveteam sa series, parang igina-guide nila ang iba pa nilang mga kasamahan.

Nakatataba ng puso all the time. Ewan ko, minsan, ‘pag naririnig ko ‘yun, mas lalo akong nai-in-love kay Marco,” pakilig na wika ni Heaven.

Sa kabilang banda, malaki ang pasasalamat nina Gab and Hyacinth sa MarVen sa pagsuporta sa kanila.

We’re just so grateful na ‘yun nga, sabi ni Heaven, we’re like a family and yeah, we have a lot of question. Siyempre, bago po kaming loveteam and I always ask them for advice and even kay KrisshRome (Krissha Viaje and Jerome Ponce na bida sa ‘Safe, Skies Archer’) and I’m happy na they’re happy for us, they’re so supportive,” ani Gab.

Si Thop Nazareno ang nagdirehe ng Chasing in the Wild na mapapanood simula August 16 sa Viva One.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

https://www.instagram.com/p/CbrIQt_LxCC/?utm_source=ig_web_copy_link