Friday , November 15 2024
Vietnamese national timbog sa party drugs at ketamine
DINAKIP ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation – Dangerous Drugs Division (NBI-DDD) ang Vietnamese national na kinilalang si Van Thai Nguyen sa pagbebenta ng ilegal na droga gamit ang stuff toys at ibino-book sa pamamagitan ng NTVs na inihahatid sa mga target na kliyente. (ALEX MENDOZA)

Vietnamese national timbog sa party drugs at ketamine

INIHARAP sa mga mamamahayag ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Biyernes ang isang Vietnamese national na nakuhaan ng maraming party drug  sa isang anti-illegal drugs operation.

Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang suspek na si Van Thai Nguyen, a.k.a. Van Vinh Nguyen, at Van Quan Nguyen, naaresto sa isang buybust operation ng mga operatiba ng NBI – Dangerous Drugs Division (NBI-DDD) noong 10 Hulyo 2024.

               Kasunod ng warrant na inisyu ng Parañaque City Regional Trial Court, sinabi ni Santiago na agad nagsagawa ng pagsalakay sa inuupahang condominium unit ng suspek noong 19 Hulyo na nakuhaan ng

53 ecstasy tablets, 14 gramo ng ketamine, at 10 kahon ng stuffed toys na ginagamit sa paged-deliver ng illegal drugs.

Nabatid na ang isang tableta ng ecstasy ay may street value na P2,000, habang ang ketamine ay P12,000 bawat gramo.

Ang Ecstasy ay kilalang party drug, habang ang ketamine ay ginagamit para sa pagpapataas ng tama, at date rapes, ayon kay Santiago.

Natagpuan din sa inuupahang yunit ni Nguyen ang mga palsipikadong dokumento na nagpapakita na siya ay nagtatrabaho sa bansa na may 9G working visa, may bisa hanggang 2026 gaya ng makikita sa kanyang

Alien Certificate of Registration (ACR).

Sinabi ni NBI senior operative Jonathan Galicia, ang mga nasabing droga ay ibinebenta sa online at ipinade-deliver sa mga delivery rider na nag-aakalang stuffed toys ang ihahatid nila sa mga foreign customers.

Sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), si Nguyen ay positibong kinilala na siyang nakaiwan ng isang itim na Louis Vuitton bag na naglalaman ng illegal drugs, cash, at identification cards sa isang taxi noong Disyembre 2023.

               Ang nasabing bag ay ibinigay ng driver kay Senator Raffy Tulfo habang nagla-live telecast sa kanyang radio program, at pagkatapos ay isinuko sa PDEA.

Si Nguyen ay sinampahan ng mga kasong paglabag sa Section 5, RA No. 9165 sa City Prosecutor ng Paranaque City.

Ang karagdagang asunto ay ihahain laban sa kanya kabilang  ang violation of Section 11, RA No. 9165 (Falsification of Documents), at RA No. 6085 (Illegal Use of Aliases).  (HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …