Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun QC

Tambay, patay sa nakaalitang kapitbahay

PATAY ang 52-anyos lalaki matapos pagbabarilin ng nakaalitang kapitbahay sa eskinita sa Barangay Bahay Toro, Quezon City nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Arturo Valle Ortis, 52, jobless, may live-in partner, habang nakatakas ang suspek na si Jayson Pasquito Germones, alyas Jayson Bay, 34, kapwa residente sa Sitio Militar, Brgy. Bahay Toro, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU- QCPD),  bandang 4:10 ng madaling araw, 27 Hulyo, nang maganap ang insidente sa eskinita ng nasabing barangay.

Batay sa imeestigasyon ni P/SSgt. Lorenz Mappala, nasa loob ng bahay ang live-in partner ng biktima na si Mercy nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril sa labas.

Dahil dito ay lumabas ng bahay si Mercy at doon ay nakita niyang duguang nakabulagta ang live-in partner habang tumatakbo palayo ang suspek patungo sa kalye ng Sitio Militar.

Agad humingi ng tulong si Mercy sa kanilang mga kapitbahay at naisugod ang  biktima sa Quezon City General Hospital pero idineklarang dead on arrival ni Dr. Alfred Magpantay, dahil sa tinamong maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril habang tinutugis pa ang suspek. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …