PUNOMPUNO ang EDSA Shangri-la Hotel noong Biyernes dahil mula sa mga kaibigan sa showbiz at politics ay dinagsa ang 62nd birthday party ni dating MMDA/MMFF Chairman at ngayon ay DILG Secretary Benhur Abalos.
Star studded ang naturang okasyon na dinaluhan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcoskasama ang First Lady Liza Araneta, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon, Cong. Sam Verzosa minus Rhian Ramos, mga senador na hindi na namin maisa-isa at iba pang kongresista at mayor.
Mula naman sa showbiz, nakita namin doon sina Jason Abalos at Will Ashley, Dermatologist Dra. Aivee Aguilar, Dra. Vicki Belo with their respective partners, IdeaFirst producer na si Perci Intalan, Quantum Films producer Atty. Joji V. Alonso marami pang iba.
Naikuwento rin sa amin na dumating din ang ilang big boss ng ilang network na hindi na nabanggit kung sino-sino ang mga iyon.
Naharang namin si Direk Perci nang rumampa sa red carpet at nausisa ukol sa pagkakapasok ng IdeaFirst at Star Cinema collaboration project, ang And The Breadwinner Is… sa first five entries ng 50th Metro Manila Film Festival ngayong taon gayundin ang pagpalag ng Borracho Films producer na si Atty. Ferdinand Topacio na umano’y ginaya lang ng kanilang pelikula ang dating old film ni Rogelio dela Rosa, ang Higit sa Lahat noong 1955.
Ani direk Perci, curious siya kung nabasa ni Atty. Ferdie ang kabuuan ng kanilang script dahil dahil sa launching, synopsis pa lang ng pelikula ang binasa.
Sinabi pa ni direk Perci dahil sa nasabi ng abogado, tsinek nila kung may hawig nga ang kanilang pelikula sa Higit sa Lahat.
At ang nalamang nila, anang direktor/producer, “May isang part lang na nagkapareho, but it’s not even something na masasabi mong copied because an insurance scam is an insurance scam. The fact na may tawag sa insurance scam means na it pre-exists before somebody put it in a work of fiction, ‘di ba? So, ‘yun lang naman actually ang pareho.”
At dahil present siya sa kaarawan ni Sec Benhur nausisa rin kung magkakilala ba sila ng personal at magkaibigan sila ng may kaarawan.
Paglalahad ni direk Perci, malaki ang naitulong ni Sec. Benhur para mailapit kay FL Liza ang mga problema sa film industry ng mga movie producers na tulad niya. Kaya bilang pagbabalik-pasasalamat, nakisaya siya sa kaarawan nito na ang highlight ay ang pagbibigay-commitment sa tatlo nitong foundation — ang CiaraMarie Foundation (na nakalaan para sa pagpapatayo ng maraming eskuwelahan sa mga remote provinces at pagtugon sa mga pangangailangan ng mga batang may autism spectrum), Kwarto ni Neneng (na sanctuary para sa abused women, at children), at Bida (na naka-focus sa drug rehabilitation).