Thursday , August 14 2025
Pagsasalin sa wikang Filipino at iba pang gawaing pangwika sa BARMM, itataguyod

Pagsasalin sa wikang Filipino at iba pang gawaing pangwika sa BARMM, itataguyod

MAYNILA—Pormal na nilagdaan ngayong 4 Hulyo 2024 sa Tanggapan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Memorandum ng Unawaan ng Bangsamoro Transition Authority-Parliament (BTA-Parliament) at KWF na magtataguyod ng pagsasalin sa wikang Filipino at ibang pang katutubong wika, pati na rin ng iba pang gawaing pangwika sa BARMM.

Kabilang sa mga serbisyong ipagkakaloob ng KWF, sa pamamagitan ng Sangay ng Salin nito, ang mga pagsasanay sa pagsasalin at balidasyon ng pagsasalin para sa BTA-Parliament.

Pangunahing makatutuwang ng KWF ang Legislative Technical Affairs and Information Services (LTAIS) ng BTA-Parliament na nangangasiwa sa mga gawaing pangmidya, pagsangguni sa batas, pagsasalin, at interpretasyon na makatutulong sa mga kasapi ng parlamento.

Kapuwa nagpahayag ng suporta at pagtataguyod ng mga gawaing pangwika sa BARMM sina Tagapangulong Arthur P. Casanova ng KWF at Engr. Abdulgani L. Manalocon, Direktor ng LTAIS.

Kasama rin sa lagdaan sina Bai Fairuz B. Candao, Punò, Translation and Interpretation Division ng LTAIS; Dr. Carmelita C. Abdurahman, fultaym na Komisyoner ng KWF; at John Enrico C. Torralba, punò ng Sangay ng Salin ng KWF.

Magindanáwon, Mëranaw, Yákan, Iránun, Sebwano, Arabic, Ingles, at Filipino ang ilan sa mga wikang sinasalita sa BARMM o Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NBI

P11-M pekeng produkto kinompiska ng NBI

UMABOT sa P11 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nasamsam ng National Bureau of …

Nicolas Torre III

Vloggers/content creators, binalaan ni Torre vs fake news, imbentong senaryo

BINALAAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga vlogger at content creator na huwag magpakalat …

081325 Hataw Frontpage

3 grade 7 student nabagsakan ng debris, kritikal

ni ALMAR DANGUILAN MASUSING inoobserbahan sa Capitol Medical Center ang tatlong Grade 7 students kabilang …

QCPD Quezon City

Paslit kinidnap ng yaya nailigtas

NAILIGTAS ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 3-anyos bata habang naaresto …

Goitia

Chairman Goitia:
Katotohanan, sandata laban sa kasinungalingan ng Tsina 

SA ISANG eksklusibong panayam kay Dr. Jose Antonio Goitia, na nagsisilbing Chairman Emeritus ng apat …