Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
MPV sumalpok sa nakaparadang trailer truck, driver patay agad
PATAY agad ang driver ng isang multi-purpose vehicle (MPV) na Mitsubishi Xpander Cross, may plakang NGX 5776, nang sumalpok sa puwitan ng isang nakaparadang trailer truck, may plakang AAR 2235, sa kanto ng Mel Lopez (Radial Road 10) Blvd., at Moriones St., Tondo, Maynila kahapon ng umaga. (BONG SON)

MPV sumalpok sa nakaparadang trailer truck, driver patay agad

DEAD-ON-THE SPOT ang isang driver nang bumangga ang minamaneho niyang multi-purpose vehicle (MPV) sa isang nakaparadang trailer truck sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Inilarawan ang biktima na may matinding pinsala sa kanyang ulo at katawan, nasa edad 40 hanggang 50 at nakasuot ng guhitang polo.

Sa ulat ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), alas-8:30 am nang maganap ang insidente sa northbound ng Mel Lopez Boulevard, kanto ng Moriones St., Tondo.

Nabatid na minamaneho ng biktima ang isang itim na Mitsubishi Xpander Cross (NGX 5776) at binabagtas ang kahabaan ng northbound lane ng Mel Lopez Blvd., ngunit pagsapit sa kanto ng Moriones St., ay nasalpok nito ang nakaparadang trailer truck (AAR 2235) sa lugar at minamaneho ni Jomar Generaldo, ng Malinta, Valenzuela City.

Sa lakas nang pagkakabangga ay nayupi ang harapang bahagi ng MPV na agarang ikinamatay ng biktima.

Ipinarada ng driver ang truck sa naturang lugar upang matulog at magpahinga. (BONG SON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Son

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …