Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Luis Manzano

Luis sa pagpasok sa politika — If I do run it has to be about public service

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INAMIN ni Luis Manzano na tatlong administration na ang naghinihintay sa kanya para tumakbo o pasukin ang politika.

Sa contract signing na ginawa kahapon na dinaluhan nina ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak, chairman Mark Lopez, COO for Broadcast Cory Vidanes, CFO Rick Tan, at Star Magic head Laurenti Dyogi, at manager niyang si June Rufino naibahagi ni Luis kung bakit mahalaga sa kanya para maging forever Kapamilya.

Para sa akin kaya sobrang importante na mga maging forever kapamilya is nararamdaman mo na nadiyan kayo sa isa isa’t isa. And the world is already there—Kapamilya. Siguro I would like to think that tat the very challenging points ng buhay ko, hindi bumitaw o hindi nawala ang tiwala sa akin ng ABS-CBN. And that is why I’m proud to say that I am forever a Kapamilya,” sabi ni Luis na ang unang proyektong gagawin ay ang gameshow na Rainbow Rumble.

Yes, malapit na malapit na po ang ‘Rainbow Rumble.’ Kasi eksakto ‘yan maraming naka-miss ng ibang game shows ng ABS-CBN. If na-miss niyo ang ‘Game KNB?’, if na-miss niyo ‘yung potluck dati na ‘It’s Your Lucky Day’ — ito, ibabalik namin ‘yung ganoong klaseng excitement, ganoong klaseng game show. Para sa inyong lahat ‘yan,”  giit ni Luis.

Pagkatapos ng pirmahan, nagkaroon ng media conference si Luis at ang unang inusisa ay ang ukol sa politika.

“Three admin pa lang hinihintay na ako. Nakatutuwa in the sense na kapag filing na, last day ng filing may magme-message sa akin ng, ‘o  andito kami ngayon, anong oras ka darating?’ And tatanungin ko ng, ‘ha? anong mayroon? Nasa bahay  lang ako naka-shorts lang.’ Hinihintay daw pala akong mag-file ng candidacy ko for whatever position. 

“And I answered this before, and ngayon ito pa rin ang sagot ko, lahat tayo may obligasyong to serve in what capacity, depends on kung ano ang ibinigay sa iyo ng Diyos, depends on the heartfelt. 

“Did I ever say no to politics before? Sabi ko hindi pa.  Hindi rin ako magugulat kung tawagin ako ng public service itong darating na taon, and hindi rin ako magugulat kung mag-focus  ako sa showbiz. Anyway sa October pa naman ang filing.”

Sinabi rin ni Luis na open siya sa politics. “Pero ayun nga mas gusto ko kasi masyado nating iniisip na politika ‘yan. If I do run it has to be about public service.”

May posisyon na bang in-offer sa kanya sakaling tumakbo siya? 

“Marami basta pag-uusapan pa lang. I swear sa mga naririnig sa akin dati ‘yung mga bati, nagtataka ako kung saan galing. Pero I take it as a compliment. ‘Yung tiwalang ibinibigay sa akin ng tao, because this is not a TV screen, a tv show, this is real life. 

“Kapag sinabi mo na humihingi ka ng boto at ang isang tao ay wiling magbigay ng boto sa iyo that’s there life, education health. Ibig sabihin, nagtitiwala sa iyo ng ganoon. I take it as a compliment, nakagugulat pero it is a compliment.  And dapat din willing ka maglingkod talaga sa tao.” 

Ukol naman sa pag-endoso sa kanyang inang si Vilma Santos para maging National Artist, ito ang reaksiyon ng aktor/host, “Dati pa yang ipinu-push and I would like to thank all the people na may initiative na gawing national artist si mommy. Si mommy naman basta happy siya sa kahit anong recognition at kung ito na ang tamang panahon para maging national artist, congratulations and naniniwala  akong darating at darating tayo sa puntong iyon.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …