Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Babaeng rider tumilapon sa sumadsad na motorbike

NAMATAY ang isang babaeng rider na pinaniniwalaang sumadsad ang minamanehong motorsiklo sa Buendia Avenue flyover sa Makati City kahapon ng umaga.

Pansamantalang hindi ibinunyag ng Makati City Traffic Bureau ang pangalan ng biktima, tinatayang nasa edad 25 hanggang 26 anyos, dahil kailangan munang malaman ng pamilya ang sinapit ng babae.

Wala nang buhay ang biktima nang madatnan ng mga awtoridad.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong 6:00 am kahapon nang mangyari ang insidente sa Buendia flyover ng nasabing lungsod.

Minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo na binabaybay ang kalsada patungo sa Bonifacio Global City (BGC).

Sa ulat, sinabing mabilis ang takbo ng motorsiklo, bago sumadsad sa naturang flyover ngunit dahil sa lakas ng impact ay tumilapon nang ilang metro ang layo at natanggal ang suot na helmet ng biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Patuloy na iniimbestigahan ang nasabing insidente ng mga awtoridad. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …