Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest, posas, fingerprints

2 kelot sa Makati nam-bully arestado sa boga at bala

DALAWANG lalaki ang dinakip na sinabing nagbanta sa buhay ng isang kapuwa nila residente sa Makati City habang may hawak na baril, kahapon ng madaling araw, Linggo, 30 Hunyo 2024.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Aidzel, 22 anyos; at alyas Marc, 20 anyos, residente rin sa Makati City.

Inaresto dakong 3:10 am kahapon sa panulukan ng Salamanca at Eduque streets ang dalawang suspek.

Base sa ulat ng Poblacion Police Sub-station, idinulog ng isang lalaki ang ginawang pagbabanta ng dalawang suspek nang walang dahilan habang nagpapakita pa ng baril.

Nang respondehan ang lugar, nadatnan ang mga suspek na magkasama habang may hawak na baril ang isa.

Nasamsam ang kalibre .38 baril, may serial number 775357, kargado ng 6 bala.

Nai-turnover ng sub-station ang dalawang suspek sa Investigation and Detective Management Section (IDMS) ng Makati City Police Station para sa mas masusing imbestigasyon at sa kasong ihahain laban sa kanila.  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …