Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ara Mina

Ara Mina’s All of Me concert sa July 11 na

TULOY na tuloy na ang 30th anniversary concert ni Ara Mina, ang All Of Me na gaganapin sa July 11, sa Newport Performing Arts Theater, 8:00 p.m..

Mabuti naman at matutuloy na rin ang All Of Me concert na dapat ay last year subalit hindi natuloy dahil sa sobrang busy ng aktres.

Ani Ara, wala namang pasabog na matindi sa kanyang show dahil lahat ng mangyagari sa gabing iyon ay tungkol sa journey niya sa showbiz sa loob ng 30 taon.

They will see kung ano na ngayon si Ara. Kumbaga, makikita nila ‘yung journey ko for 30 years and makikita nila how passionate I am sa pagkanta. Because binabalikan ko ngayon ‘yung first love ko – ‘yung singing,” ani Ara.

Sinabi rin ni Ara na maraming highlights na ipakikita sa concert tulad na kanyang mga memorable films, teleseryes, at mga album. 

Makakasama niya sa All Of Me concert sina  Ogie Alcasid, Martin Nievera, at Cristine Reyes.

Samantala, nilinaw ni Ara ang tungkol sa paggamit niya ng gadget sa nakaraang show ng Philippine Educational Theater Association (PETA) na One More Chance.

Aniya, mabilisan lang siyang tumitingin sa kanyang cellphone para makita kung may mga nag-message sa kanya.

Iginiit din ni Ara na wala siyang dalang laptop, kahit ang kanyang kasama.

“I also saw the laptop. It’s the girl in front of me, nakaupo ‘yung may-ari ng laptop,” anito.

Alam mo may laptop ako pero nasa bahay, nandoo  lang sa cabinet,” nangingiting sabi pa ni Ara.

Ukol naman sa nakunang litrato na gumagamit siya ng phone, “Two hours and a half ‘yung play, normal lang na sisilipin mo (cellphone).

“Baka sabihin ng asawa ko bakit hindi ako sumasagot. Kahit ako naman, lalabas na lang ako kung mag-phone ako the entire play,” sabi pa ni Ara. (Maricris Valdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …