Wednesday , November 20 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Bukod sa West Philippine Sea  
NCR, LUZON PENETRATED NA RIN NGA BA NG CHINA?

YANIG
ni Bong Ramos

BUKOD sa West Philippine Sea (WPS), hindi nakapagtataka kung penetrated na rin ng China ang National Capital Region (NCR) at ilang mga probinsiya sa Luzon from north to south.

Ito ang sinasabi ng ilang mga eksperto hinggil sa kanilang pag-aaral at ebaluwasyon sa mga ginagawang pagkilos at aktibidad ng mga Intsik sa Filipinas.

Sinasabi rin nila na ang ginagawang pagkilos ng China sa WPS ay front lang at nagre-reverse psychology lang para mas malawak ang maging konsentrasyon nila dito sa NCR at Luzon.

Kung may mga instalasyon na ginawa ang China sa ilang mga isla sa WPS, mas higit na marami at mas makabago ang itinayo umano sa NCR at Luzon.

Puwedeng kabilang dito ang mas malawak na communication system na malamang na pinamamahalaan ng mga Chinese militia at revolutionary army ng China.

Ang mga ito ay siguradong hindi nakadeklara sa gobyerno, siyempre naman. Sigurado rin daw na marami itong mga pasikot-sikot na lagusan kabilang na ang mga underground tunnel.

Saksi tayong lahat sa ginawang raid ng ating gobyerno sa ilang establisimiyento sa Bamban, Tarlac at sa Porac, Pampanga na napag-alamang mga POGO hub. Maraming mga politiko ang kuwestiyonable dito kabilang na ang dalawang alkalde, senador at congresswoman.

Libong mga Intsik umano ang naninirahan at nama-mahala nito. Mayroon silang mga kaukulang dokumento na hindi natin malaman kung sino ang nag-ayos.

Kabilang sa mga nasamsam dito ay mga high-tech communication system, high-powered firearms, milyong pisong halaga ng pera, at mga uniporme ng Chinese Revolutionary Army.

Obvious na sila ay galing sa mainland China sa kadahilanang hindi marunong mag-Tagalog at mag-English. Kailangan pa ng translator o interpreter.

Sa puntong ito, batay sa mga ebidensiyang nakompiska, nagiging matibay ang pangitain na penetrated na ng mga Intsik ang ilang probinsiya sa Luzon.

Kung nakapasok na sila sa Luzon, mas siguradong pasok na rin sa NCR sa ganitong klase ng estilo rin malamang ang ginawa.

Huwag na tayong magtaka na infiltrated na ng mga tsekwa ang Pinas. Mantakin ninyong ang naging financial adviser noong nakaraang administrasyon ni FPRRD ay ang Intsik na si Michael Yang.

Siya umano ay talagang puro na kumbaga sa manok ay purong Texas dahil hindi rin marunong managalog at balu-baluktot ang English.

Kumalat ang tsismis na si Wang ang pinakahari ng mga drug lord dito sa Pinas na nagpapatakbo ng maraming laboratoryo ng shabu sa bansa.

Lumutang din ang pangalan niya sa isyu ng PHARMALLY na wala namang sapat na pondo ngunit nanalo sa bidding at purchase ng bilyon-bilyong halaga ng medical supplies noong panahon ng pandemic. Financial adviser iyan ha.

Iba rin talaga ang tinitingnan sa tinititigan, hindi makakikilos nang ganito kung walang blessing at basbas sa kinauukulan kung kaya’t hindi malayong madomina tayo ng mga tsekwa pagdating ng panahon.

Kung totoo nga ang ebaluwasyon ng mga eksperto, doblehin natin ang pag-iingat at paghandaan din ang sinasabing surprise attack dahil hindi mag-uumpisa ang gulo sa WPS kundi rito mismo sa NCR kung nasaan ang seat of government.

Hindi puwedeng masakop ang Pinas hangga’t hindi nakukuha ang kabiserang lungsod dahil kung nasaan ang Maynila, naroon ang bansa.

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …