Sunday , December 22 2024
Jed Madela

Jed hands on sa preparasyon ng birthday concert

MA at PA
ni Rommel Placente

BIRTHDAY ni Jed Madela sa July 14.  Magkakaroon siya ng pre-birthday celebration sa pamamagitan ng isang concert entitled Welcome To My World, na gaganapin sa Music Museum sa July 5. 

Ayon kay Jed, super hands-on siya sa preparation para sa kanyang concert, na isa siya sa producer.

Sabi ni Jed, “All the songs were handpicked because the main theme of the concert is to show my world to the audience outside of what they see on TV. Each song has a story that I want to share with the audience.”

Samantala, ikinukompara ang range ng boses ni Jed  kay SB19 Stell dahil sa pagbirit nito ng All By Myself ni Celine Dion 

sa concert ni David Foster kamakailan.

Kinunan ng reaksiyon si Jed tungkol dito.

Oh, yeah, he’s amazing! He’s very, very good! Ang galing ng range niya, grabe! Grabe ‘yung range niya, I remember myself 20 years ago. Ha-hahaha!

“Ganoon din, but you know, I’m just so happy that there are more avenues for artists like Stell. Kasi dati, kapag sinabing balladeer, kailangan Martin Nievera-sounding, Gary V-sounding, ‘di ba?

“And now, we have a lot of, you know, nagiging diverse na ‘yung sound ng balladeer ngayon. So, yeah, I watched his performance sa David Foster concert, ang galing!

“I watched his performance sa, I think he guested in Erik Santos’ concert in the US. Tuloy-tuloy na ‘yan kasi he’s very good. And as long as, you know, you really stick to your core, tuloy-tuloy ‘yan,” ang papuri pa ni Jed kay Stell tungkol sa viral video nito.

Sa tanong kung game ba siya sakaling may mag-offer na mag-showdown sila ng SB19 member, ang sagot niya, “Collab na lang, wala nang showdown-showdown. Ito kasi, it’s just so funny kasi, you know, we have this tendency of pitting artists against each other.

“You know, kung sinong mas magaling, sinong mas mataas ang boses, sinong mas pogi, sinong mas payat. It all ends up with everybody fighting, ‘di ba?

“So if it’s going to be a collaboration for something beautiful and everybody will enjoy, the fans of Stell, the fans of Jed Madela will enjoy, mas masaya, ‘di ba?

“Kaysa, ‘eh, mas magaling si Jed sa part na ‘yon, mas magaling si Stell sa part na ‘to. It’s just going to be the negative effect sa fans, mag-aaway-away.

“So ako, as much as possible, I just want everybody to be at peace. Mag-enjoy tayo, lets…you know, kasi at the end of the day, ‘yung bashing, pag-aaway, wala ring kapupuntahan. May masasaktan lang. So collaboration would be a good idea,” paliwanag pa ni Jed.

At kung magkakaroon sila ng collaboration ni Stell, “Well ako, personally, I want it to be an original song. Somebody has to, you know, write an original song that’s going to be tailor fit for our voices.

“Kasi, oo, mataas boses naming dalawa, but it’s not the same. I mean, iba ‘yung quality ng boses ni Stell, iba rin ‘yung akin. So it has to be tailor-fit for our voices.

“But ‘pag cover, siguro, ‘All By Myself?’ Ha-hahaha! Nagulat nga ako, ibinalik nila ‘yung ‘All By Myself’ ko sa ‘ASAP’ noon, eh. Ni-resurface na naman. Siyempre, may nagdikit na naman, ikinompara, ayan na, nagsimula na naman ‘yung away. C’mon guys!” ang pahayag pa ni Jed.

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …