Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kyle Echarri Darren Espanto

Darren at Kyle may hidwaan? (Sa ‘di pagdalo sa birthday bash)

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG isinelebreyt ni Kyle Echarri ang kanyang ika-21 taong kaarawan kamakailan na ginanap sa isang hotel sa Makati, ay dinaluhan ito ng kanyang mga kaibigan tulad nina Andrea Brillantes, Miggy Jimenez, Cassy Legaspi, Grae Fernandez, Alexa Ilacad, KD Estrada, Leon Barretto, Frankie Pangilinan, Bailey Mayat mga ehekutibo ng ABS-CBN at Cornerstone Entertainment, na kanyang management.

Sa isang portal, napansin naman ng mga mahadera  na  wala sa nasabing pagtitipon ang kaibigan nitong si Darren Espanto kaya naman iniisyu na may feud  umano ang dalawa.

Ito ang ilang hirit ng mga katkatera at sawsawera sa kawalan ni Darren sa birthday bash ni Kyle.

“Di ba best friends sila since “The Voice.” Bakit wala si Darren?”

“Oo nga. Feeling ko, di na sila friends.”

“Hindi rin kasama si Kyle sa nag-perform sa concert noon ni Darren.”

“Baka naman hindi invited.”

“Weh. Wala kahit moral support?”

Wala na si Kyle sa circle of friends ni Darren.”

“Pansin ko rin, mula nang makasama ni Kyle si JK Labajo sa “Senior High” at “High Street”, di na rin sila naging close. Eh, di ba may isyu sina JK at Darren?”

“Wow, guest si Cassy pero waley si Darren.”

Well, hindi naman kaya may previous appointment si Darren that time, kaya hindi siya nakapunta sa birthday ni Kyle?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …